Advertisers
MATAPOS mag-viral sa social media, naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District -Special Mayors Reaction Team ang isang tricycle driver na nambibiktima ng mga dayuhang turista sa Maynila.
Ayon sa ulat, 2:00 ng hapon nitong Miyerkoles nang pahintuin ni MTPB Traffic Enforcer Andrey Lelis ang suspek na si Joselito Ortiz sa kahabaan ng United Nations Avenue, kanto ng Mabini St., Ermita, Manila dahil sa simpleng paglabag sa batas-trapiko, pagbalewala sa traffic signal.
Minamaneho nito ang isang itim na Rusi Macho 175 na may plakang 136NII at may sidecar.
Dahil sa nasabing paglabag, hiningan si Vihick ni Macapag ng lisensya ngunit wala itong maipakita dahilan para arestuhin ito.
Dinala si Vihick sa tanggapan ng MPD-SMaRT sa Manila City, Hall kungsaan napag-alaman na ito rin ang driver sa isang viral post sa social media partikular sa Facebook at YouTube channel na nambiktima ng isang Australian national.
Ayon sa viral Facebook post sa ilalim ng pangalang Dwaine Wooley, nagpahatid ito sa isang mall sa Ermita, mula Adriatico Street sa halagang P50 ayon sa napag-usapan bago ito sumakay ng tricycle.
Pero nang bumaba ang dayuhan, bigla itong siningil ng P550.
Ang insidenteng ito ay nag-viral at labis na nakakasira sa imahe ng bansa, sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang turismo, trabaho at paghikayat sa mga mamumuhunan sa Maynila.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 4136 Sec 19. (Jocelyn Domenden)