Advertisers
NASAWI ang isang motorista at sugatan ang driver at walong pasahero nito sa banggaan ng motorsiklo, van at fuel tanker sa Digos City, Davao del Sur nitong Martes.
Naganap ang insidente sa isang bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Matti sa Digos City, kabisera ng Davao del Sur.
Sa ulat ng Davao del Sur Provincial Police Office, unang nahagip ng van na minamaneho ni Roy Eligrino ang gilid ng tanker ng truck na kanyang tinangkang i-overtake, kaya nagawi ito sa kabilang bahagi ng highway at nasapol ang motorsiklong kasalubong bago ito gumulong at bumaliktad.
Tumilapon sa gitna ng highway ang motoristang si Jeffrey Nuñez at bumulusok sa ilalim ng tanker na minamaneho ni Noel Magbulugtong.
Ang van driver na si Eligrino at ang kanyang walong pasahero na sina Jessio Diono, Mark Fernandez, Abubakar Basal, Jade Toni Belo, Reyna Rose Ferolino, Amie Bengil, Darryl Pagunsan at Rea Joy Tan ay nagtamo ng mga malubhang sugat at mga pasa sa katawan sanhi ng paggulong ng van, matapos mabundol ang motoristang si Nuñez.