Advertisers
ISANG miyembro ng New People’s Army-Northeastern Mindanao Regional Committee (NPA-NEMRC) na kabilang sa talaan ng Most Wanted Person (MWP) ang nahuli sa manhunt operation ng mga detective ng CIDG Rizal kasama ang Intelligence Division, 404th A MC RMFB 4A, AFP , PNP Aviation Security Group at Airport Police Department matapos maispatan habang paalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sa lungsod ng Pasay noong Miyerkules ( Nobyembre 29 ).
Sa ulat kay CIDG Director, PMGen Romeo M Caramat Jr, kinilala ang naarestong akusado na si Jennifer Zamora Abad, 50-anyos na alyas “Josephine Abad/Peping” na sinasabing wanted for Murder sa ilalim ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Lilibeth O Ladaga, Executive/Presiding Judge ng RTC Branch 28 Lianga, Surigao Del Sur noong Nobyembre 21, 2019.
Siya ay inaresto, ilang oras bago tumulak patungong Qatar sakay ng Philippine Airlines flight PR 684.
Siya ay hindi pinahintulutan ng korte na magpiyansa o walang na bail na inirekomenda.
Ayon kay Caramat, si Abad ang itinalagang Regional Finance Staff ng NEMRC (Northeastern Mindanao Regional Committee) na nangangasiwa sa buwanang suporta ng RWAC, NEMRC. Dagdag pa, pinadali niya ang pagsasama-sama ng mga clearing ng RWAS staff personnel allowances.
Siya rin ang in-charge sa koleksyon ng RBKU (Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri) sa Surigao Del Sur area at direktang nakikipag-ugnayan kay alyas “Maria Malaya” Secretary ng NEMRC.
Dinala ang naarestong akusado sa CIDG Rizal PFU Office para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
“Habang patuloy nating sinusuportahan ang 5-Focused Agenda ng CPNP, si PGen Benjamin C.
Acorda Jr., partikular na tungkol sa pagkakaroon ng agresibo at tapat na mga operasyon sa pagpapatupad ng batas, ang CIDG ay walang humpay sa paglaban nito sa kriminalidad, partikular sa mga radikal na naghahasik ng kaguluhan at takot na sumisira sa kapayapaan at seguridad ng bansa,” dagdag ng CIDG Director ( JOJO SADIWA / JERRY TAN)