Advertisers

Advertisers

Mahigit 400 dayuhan iba-blacklist dahil pinetisyon ng mga pekeng kumpanya

0 12

Advertisers

IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na mahigit 400 dayuhan ang nakatakdang iba- blacklist matapos mapag-alamang pinetisyon ng mga pekeng kumpanya.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang hakbang ay parte ng kampanya ng ahensya na alisin ang mga iligal na dayuhan sa bansa, lalo na ang may mga pekeng dokumento para makakuha ng mga visas.

Sinabi ni Tansingco na ang tatlong magkasunod na audit reports mula sa kanilang verification and compliance division (VCD) ay nagpapakita na may kabuuang 459 dayuhan na gumagamit ng mga pekeng kumpanya para sa kanilang application.



“These foreign nationals’ applications were processed using the services of accredited entities, authorized to apply in behalf of the foreign nationals,” pahayag ni Tansingco.

“However, through our audits, we discovered that the companies that petitioned them are spurious,” dagdag pa ng BI chief.



Ibinahagi rin ng BI Chief na mayroong halos 79 accredited liaison officers ang nahaharap sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa nasabing racket.

Ibinunyag din ni Tansingco na 4 na BI lawyers ang under investigation din kaugnay ng nasabing modus.



Noong isang linggo ay iniulat ang pagkakatuklas ng BI sa modus, at nagtulak ito para sa malawakang imbestigasyon sa nasabing racket.

Sinabi ni Tansingco na agad nilang iniulat sa Department of Justice ang insidente at nangakong tutulong sa imbestigasyon kasama ang NBI.

Ayon kay Tansingco, ang mga ‘subject foreign nationals’ ay kakanselahin na ang mga visas at ang mga nasa bansa ay uutusang umalis ng bansa at iba- blacklisted.

Ang audit ay nangyari matapos na ang lokal na kapulisan ay magsagawa ng pagsalakay sa mga scam hubs at prostitution dens na nagpapanggap bilang lehitimong kumpanya.

“We are after aliens who falsify or misuse documents,” sabi ni Tansingco.

“Our drive against illegal aliens remain relentless, and we will continue to run after those who coddle such violators,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)