Advertisers
KINUWESTIYON ni Senador Ping Lacson ang evidenciary at probative value sa naging presentasyon ni dating Senador Antonio Trillanes, partikular ang paggamit nito para sa prosecutorial purposes.
Sinabi ni Lacson, maayos ang paraan ng presentasyon ngunit hindi malinaw kung saan nagmula ang mga dokumento at kung maaari itong ituring na sapat na ebidensiya.
Dagdag pa ng senador na maaaring umulan ng objection dahil hindi umano competent ang nagprisinta ng mga dokumento, lalo na kung hindi naman ito nagmula sa mismong ahensiyang naglabas ng mga ito.