Advertisers

Advertisers

AFP military plane na nagsasagawa ng maritime patrol hinaras ng Chinese fighter jet sa Bajo de Masinloc

0 12

Advertisers

KINUMPIRMA ng Armed Forces of the Philippine (AFP) ang naganap na panghaharas ng isang Chinese J-16 Fighter Jet sa isang AFP aircraft na nagsasagawa ng maritine routine patrol malapit sa Bajo de Masiloc (Scarborough Shoal) noong Sabado ng umaga, Oktubre 3.

Ayon kay Col Xerxes Trinidad, Chief ng AFP Public Affair Office, nagsasagawa ng routine maritine patrol ang isang C-208 sa Bajo de Masinloc nang paulit-ulit na gumawa ng mapanganib na pag-maniobra kung saan lumipad sa unahan, paligid at pumuwesto sa agos ng hangin ng eroplano ng AFP ang dalawang Chinese J-16 fighter.

Dahil dito, agad naman nagsagawa ng pag-iingat ang piloto at pagsunod sa itinatakda ng aviation procedure hanggang sa matagumpay na pagpapatrulya at makakabalik ng ligtas ang nasabing eroplano.



Mariing kinondena ni Trinidad ang ginawang aksyon ng Chinese J 16 fighter plane na maaaring magdulot ng seryosong banta sa seguridad sa sasakyang panghihimpawid at maging sa piloto o crew nito.

Sinabi ni Trindad na nananatiling propesyonal ang mga piloto at tauhan ng AFP at ligtas na nakumpleto ang kanilang misyon bagong bumalik ng walang ibang insidente.



Tiniyak naman ni Trinidad na magpapatuloy ang pagsasagawa ng routine maritime at air patrol ng AFP sa West Philippine Sea.

Nananatili namang mapagbantay ang AFP at patuloy na pra-yoridad ang kaligtasan ng mga tauhan o personnel at aircraft habang isinasakatuparan ang mandato nito. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">