BOC KAPOS ANG HAKBANG SA KAMPANYA KONTRA SMUGGLING; KAWALAN NG DATA SHARING PINUNA NI OMBUDSMAN ‘BOYING’
Advertisers
PINUNA ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla ang kawalan ng kooperasyon at data sharing ng Bureau of Customs (BOC) sa ginagawang pagsusulong ng kaso laban sa mga smuggler at sa pagpapalakas ng anti-smuggling campaign sa bansa.
Ayon kay Remulla, ang kawalan ng kooperasyon at delayed na submission ng mahahalagang impormasyon ng BOC ay nakahahadlang sa imbestigasyon at pagsusulong ng smuggling cases.
Nagkaroon na aniya ng pulong tungkol dito kasama ang Customs at DOJ para sa layuning mahinto ang problema sa smuggling at masolusyonan ang problema sa Customs sa hindi pagkumpleto ng documentation na nagiging dahilan para ma-dismiss ang kaso.”
Ginawa ni Remulla ang pahayag sa gitna ng pinalakas na kampanya ng gobyerno laban sa smuggling na nagresresulta sa serye ng pagkaka kumpiska sa mga kontrabando sa magkatuwang na operasyon ng BOC, National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies.
Sa dalawang anti-smuggling operations kamakailan, ilang BOC agents ang nasasangkot.
Tulad ng ginawang operasyon ng NBI noong nakaraang buwan sa Santa Maria, Bulacan kung saan tone-toneladang frozen chicken meat ang natuklasang ibebenta pa din ng BOC personnel kahit dapat ay wawasakin na ang mga ito.
Noong Agosto naman sinalakay ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang warehouse sa Bulacan na imbakan umano ng smuggled cigarettes.
Nadatnan sa warehouse ang dalawang BOC personnel na tinangka umanong ibenta ang mga wawasakin nang smuggled na sigarilyo.
Kamakailan nanawagan si Senator JV Ejercito kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na paigtingin ang paglilinis sa kanilang hanay partikukar sa intelligence arm ng ahensya ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).