Advertisers
NASAWI ang isang magsasaka. habang 5 ang sugatan nang hagisan ng granada habang abala sa pagluluto ng mga pagkaing gagamitin sa isang binyagan sa South Upi, Maguindanao nitong Biyernes.
Kinilala ang nasawi na si Nestor Amborgo, Jr. na nagtamo ng mga tama ng sharpnel sa ibat’ ibang bahagi ng katawan; nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang sina Jem Amborgo, 30; Joem Sentina, 33; Alvin Caurin, 37; Jemboy Denuman, 45: at Jimrod Mutha, 43, pawang taga- Barangay Pilar, South Upi.
Sa report, 12:05 ng madalibg araw nang maganap ang pagsabog sa Barangay Pilar.
Nabatid na abala ang mga biktima sa paghahanda ng mga pagkain na ihahanda sa binyagan nang dumating ang ‘di nakilalang salarin. Hinagisan nito ng granada ang biktima ay mabilis na tumakas sa ‘di nabatid na direksyon.
Agad nasawi si Amnorgo sanhi ng mga tinamong tama ng sharpnel, habang sugatan ang 5 iba pa.
Hinala ng mga otoridad, personal na galit ang motibo ng krimen.
Patuloy ang isinasagwang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente. (Mark Obleada)