Advertisers

Advertisers

Pari arestado sa granada at baril

0 32

Advertisers

ARESTADO ang isang pari nang makuhanan ng granada at baril sa isinagawang search operation ng mga miyembro ng Compostela PNP noong Huwebes ng umaga sa Purok-2, Barangay Poblacion Compostela, Davao de Oro.

Kinilala ang naaresto na si Fr. Sotero Verzano Fennis Jr., 42 anyos, may asawa, kura paroko ng Filipino Catholic o ‘Filipinista Church.



Nakuha sa posisyon ni Fennis ang isang fragmentaion grenade, dalawang .45 Colt caliber pistol, .45 caliber pistol magazine, isang M4 Rifle upper reciever, M4 rifle accessories, 2 cellophane na naglalaman ng pistol spare parts, 1 caliber 22 rifle, 54 assorted caliber 45 pistol spare parts at 1 box na naglalaman ng 13 fired cartridge case ng kalibre 45.

Nabatid na ang pari ay Top 9 sa listahan ng Regional Level Priority Targets at kasalukuyang mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Illegal Possession of Explosives.



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">