Advertisers
LUBOS na makikinabang ang Pilipinas at Japan sa binabalangkas na Reciprocal Access Agreement (RAA) para sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.
Ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang bilateral meeting ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa sidelines ng ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.
Sinabi ni PBBM na tanda ng lumalakas na ugnayan ng dalawang bansa ay ang Official Security Assistance (OSA) na napagkasunduan bilang resulta ng strategic partnership ng magkabilang panig.
Sa pamamagitan ng RAA, magkakaroon ng visiting forces ang Japan sa Pilipinas na tutulong sa pagsasanay at makakatuwang sa joint exercises ang mga sundalong Pilipino at iba pa.
Matatandaang nagsimula ang pormal na negosasyon ukol sa access agreement noong nakaraang buwan kung saan kabilang sa delegasyon ng Pilipinas ang Department of National Defense, Department of Foreign Affairs, at Department of Justice. (Gilbert Perdez)