Advertisers

Advertisers

Paslit, nalagasan ng 5 daliri dahil sa dart bomb – DOH

0 18

Advertisers

NAWALAN ng limang daliri sa kanang kamay ang isang 4-taong gulang na batang lalaki matapos na gumamit ng ‘dart bomb.’

Batay sa FWRI Report #10 na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, nabatid na ang paslit na mula sa Central Luzon ay nagtamo rin ng sugat sa kanyang leeg matapos na sindihan ang naturang ilegal na paputok sa kanilang tahanan.

Ang paslit ay kabilang sa walong bagong biktima ng paputok na naitala ng DOH mula 6:00AM ng Disyembre 30 hanggang 5:59AM ng Disyembre 31, 2023.



Ayon sa DOH, ang naitalang mga bagong kaso ng FWRI ay pawang lalaki, na ang pinakabata ay 4-anyos lamang at pinakamatanda naman ang 37-anyos.

Ang anim o 75% sa mga bagong kaso ay nangyari sa bahay at sa mga lansangan, kasama ang dalawa o 25% na naganap sa mga itinalagang lugar habang lima o 63% naman ay dahil sa mga iligal na paputok, habang ang karamihan ay may aktibong pakikilahok na nasa pitong kaso o 88%).



Sinabi ng DOH na sa kabuuan, mayroon nang 115 FWRI sa bansa, at ang apat sa bawat 10 kaso nito ay nagmumula sa National Capital Region (NCR) na may 44 kaso o 38%.

Kasunod naman ng NCR sa bilang ng mga kaso ang Central Luzon (13, 11%), Ilocos Region (13, 11%), Soccsksargen (9, 8%), Calabarzon (6, 5%), Cagayan Valley (5, 4). %), Bicol Region (5, 4%), at Western Visayas (5, 4%).



Nabatid na ang Davao Region ay may pinakakaunting kaso, na nasa isa lamang sa ngayon.

May 96% naman ng mga kaso ay ang nangyari sa bahay at sa mga lansangan at karamihan sa sangkot ay mga lalaking may aktibong pakikilahok sa pagpapaputok.

Sinabi ng DOH, na ang mga tukoy na paputok na nagdudulot ng hindi bababa sa pito sa bawat sampu o 72% na FWRI ay Boga, 5-Star, Piccolo, at Pla-Pla, na pawang ilegal na paputok, gayundin ang mga legal na paputok na kwitis, Luces, Whistle Bomb, at iba pang unlabeled na paputo,, kabilang ang Dart Bomb o imported na paputok.

Nabatid na ang mga ilegal na paputok rin ang dapat sisihin sa humigit-kumulang anim sa bawat sampung kaso o may 67 kaso o 59%.

Kaugnay nito, nagpahayag ang DOH ng lubos na pagkabahala kung paano nararating ng mga nakamamatay at ilegal na paputok ang mga kamay ng maliliit na bata.

“Kami ay nagpapasalamat na ang Department of Interior and Local Government (DILG) gayundin ang maraming LGUs ay nakikinig sa panawagan na magkaroon ng community fireworks display. Hinihiling namin sa ating pulisya na sugpuin pa ang mga nagbebenta ng ilegal na paputok na sumisira sa mga kamay at kinabukasan ng mga batang Pilipino,” ayon pa dito. (ANDI GARCIA)