Advertisers

Advertisers

Mayor Honey, nakipagpulong sa mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng Pista ng Itim na Nazareno sa Jan. 9

0 9

Advertisers

NAGSAGAWA ng pulong si Manila Mayor Honey Lacuna kasama ang mga concerned government authorities kaugnay ng nakatakdang pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno sa January 9, 2024.

Partikular na binigyan ng atensyon ang pagsasagawa ng ‘Traslacion’ bilang pinakatampok ng nasabing okasyon simula pa noon.

Binigyang diin ni Lacuna ang kahalagahan ng pagpaplantsa ng lahat ng plano na nakalinya na at napagkasunduan na, ito ay dahil na rin sa ang nasabing tradisyunal na prusisyon ay naisantabi dahil sa pandemya at sa kauna-unahang pagkakataon ito ay papayagang muli sa taong ito.



Dumalo sa nasabing pulong sa Manila City Hall ang mga opisyal mula sa Philippine National Police, partikular ang Manila Police District sa pangunguna ni Director, Col. Arnold Thomas Ibay , gayundin ang mga opisyal mula sa Minor Basilica sa Quiapo Church sa pangunguna ni Fr. Jun Sescon at Fr. Jonathan Mojica, pati na rin ang Hijos del Nazareno o yung mga pisikal na namamahala ng prusisyon.

Naroon din sa pulong ang mga kinatawan mula sa Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services, Department of Engineering and Public Works, Manila Fire District, Department of Tourism, Culture and Arts of Manila, Manila Barangay Bureau, Department of Interior and Local Government – Manila, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, at iba pa.



Inutos ni Lacuna na ang buong paligid ng Quiapo ay malinis sa lahat ng uri ng vendors lalo’t nagsimula na ang mga nakalinyang gawain na may kinalaman sa Pista ng Itim na Nazareno.

Ang pagbabasbas ng mga replicas ay dinaluhan ng daang-daang mga deboto at ang prusisyon ay inaasahang hihila ng milyon-milyong deboto, matapos na ito ay ipagbawal sa loob ng tatlong taon.



Ang pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Lacuna ay palagiang nakikipag-ugnayan at nakipagpulong sa mga may kinalaman sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng pagdiriwang ng nasabing Pista ng Itim na Nazareno. (ANDI GARCIA)