Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu nasamsam sa tulak sa Caloocan city

0 7

Advertisers

NAGKAKAHALAGA ng P3.4 million ang shabu na nasamsam ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang drug pusher sa buy bust operation sa Caloocan City nitong Sabado.

Kinilala ang nadakip na si William Isanan, 42 anyos, ng Barangay 167 Libos Baesa, Caloocan City.

Sa report, 2:00 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng PDEA Aurora Provincial Office, PDEA-3 RSET, at PDEA North District Office sa Barangay 162, Sta. Quateria, Caloocan City.



Narekober sa suspek ang tatlong (3) knot-tied transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit o kulang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon, at marked-money na ginamit sa operation.

Sa ulat, sangkot si Isanan sa pagpapakalat ng shabu sa Caloocan at mga kalapit na bayan ng Bulacan, at dati nang naaresto sa pagkakasangkot sa iligal na droga



Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (pagbebenta ng mga mapanganib na droga), ng Article II ng Republic Act 9165 ang suspek. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">