Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KATAKUT- takot na pamumuna sa mag-amang Ryan Agoncillo at panganay nila ni Judy Ann Santos na si Yohan ang mga netizen.
Sa video post kasi sa socmed na tila nasagwaan na ang netizens sa paghalik sa labi ng mag-amang Ryan at Yohan.
Di naman daw sa nakikialam ang basher sa nakasanayan na ni Yohan sa paghalik sa labi ng tatay na si Ryan.
Maliit pa lang si Yohan ay nakasanayan na nito na kapag papasok at dadating mula eskuwelahan ay humahalik na sa ama.
Sey pa ng netizens na okey lang daw kung kiddo or bagets pa si Yohan.
Pero dalaga na nga raw ito at tila di na kagandahan sa paningin ng netizens ang paghalik ni Ryan sa labi ni Yohan.
As in, nasagwaan na ang netizens sa kaya naman napareak ang netizens.
***
Richard niresbakan si Sarah, in-unfollow na rin
MUKHANG hindi nagustuhan ni Richard Gutierrez ang ginawa ng estranged wife na si Sarah Lahbati.
Halos lahat silang pamilya ay in- unfollow ni Sarah mula sa mister, kay Ruffa, Raymond at nanay niyang si Annabelle Rama.
Kaya bilang ganti at resbak ay in- unfollow na rin ni Richard ang ex-misis sa kanyang IG.
Nalungkot naman ang netizens sa nangyayari sa mag-asawa.
Concern nila ay ang dalawang anak nina Richard at Sarah na naaapektuhan sa hiwalayan ng kanilang parents.
Ugong-ugong din na malaya na si Sarah matapos na di na nito gamitin ang apelyido ng Gutierrez.
Well, well, well… ‘Yun na!