Advertisers

Advertisers

KARAPATAN NG INDIGENOUS PEOPLES BUBUWAGIN?

0 1,151

Advertisers

Nababahala na ang may 800 PAMILYANG nabibilang sa TRIBONG DUMAGAT sa bahagi ng RIZAL PROVINCE na mapalalayas na sa kanilang mga kinalulugaran dahil may mga nagsusulong na umano sa CONGRESS na ipabuwag ang INDIGENOUS PEOPLES RIGHTS ACT (IPRA).

Inihayag ni DUMAGAT CHIEFTAIN ALEX BENDAÑA na nabalitaan umano nilang may nagsusulong sa KONGRESO na iabolish ang IPRA na aniya ay iyon na lamang ang tanging batas na kanilang kalasag na mga katutubo sa pamamalagi sa may 13,000 ektaryang ANCESTRAL DOMAIN na katabi ng UPPER MARIKINA RIVER PROTECTED LANDSCAPE (UMRPL)

Ang ipinagtataka pa ng DUMAGAT TRIBE ay kung paano nakakuha ng CLEARANCE sa DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES (DENR) ang mga may-ari ng naglalakihang mansyon at iba pang istraktura sa loob ng protected area na anila ay kinakailangan ang honest-to- goodness implementation ng mga umiiral na batas kabilang ang IPRA at PRESIDENTIAL DECREE 324 na MAGBUBUKOD sa mga bahagi ng watershed para sa agroforestry.



Ang grupo ni BENDAÑA na isa sa 7 DUMAGAT TRIBE na naninirahan sa katimugang dulo ng kabundukang SIERRA MADRE ay nagsagawa ng pagsisiyasat.., na base sa tala ng UMRPL ay may 26,126 ektarya ang nasasakop, subalit sa patuloy na forest at habitat degradation na likha ng ilegal na pamumutol ng mga puno, construction ng mga residential subdivisions at pagpapatayo ng commercial establishments ay naabawasan ang watershed ng halos 408 ektarya kada-taon.

Ang grupo ng DUMAGAT-REMONTADO ANCESTRAL DOMAIN ay halos kalahati sa kanilang kinalulugaran mula sa mga bayan ng TaANAY, BARAS at ANTIPOLO CITY sa Lalawigan ng RIZAL ang nawala bunsod sa MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) na isinulong noon ng yumaong DENR SECRETARY GINA LOPEZ sa BLUE STAR CONSTRUCTION AND DEVELOPMENT CORPORATION na ngayon ay kilala bilang MASUNGI GEORESERVE noong 2017.



Aniya pa.., ang teritoryo ng mga ancestral domain ay patuloy na naglalaho dahil sa pamamayagpag ng mga LAND GRABBER at ng mga nagpapanggap na ENVIRONMENTAL ADVOCATES.

“Wala na po kaming pupuntahan kapag nawala pa ang IPRA. Kung meron man dapat gawin ang pamahalaan, repasuhin at palakasin ang IPRA.., hindi nila yan pwede ibasura kasi wala na kami mapupuntahan… hindi kami mabubuhay kung magpapakalat-kalat kami sa Maynila at magpapalipas ng gabi sa ilalim ng mga tulay,” panawagan ng grupong DUMAGAT-REMONTADO na nirerepresenta ni BENDAÑA.



Sa punto ng ARYA.., kung BUBUWAGIN ang IPRA na nagsisilbing kalasag ng mga KATUTUBO sa ating bansa ay silbing paglapastangan ito sa sektor ng iba’t ibang TRIBO o mga KATUTUBO at ito ay sarkastikong pagpapakita ng DISCRIMINATION sa ating lipunan.., dapat PAHALAGAHAN at PALAKASIN pa ang konsepto ng IPRA dahil ang mga KATUTUBO ang simbulo ng mga lehitimong namumuhay sa iba’t ibang mga pulo’t kabundukan bago pa man nasakop ang ating bansa ng mga KASTILA, AMERIKANO at ng mga HAPON.

Ika nga.., ang dapat manguna sa pagpapairal at pagbibigay proteksiyon sa kapakanan ng mga KATUTUBO sa ating bansa ay ang ating GOVERNMENT sa liderato ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR sa pamamagitan ng ahensiyang tagapagoatupad na DENR.., na hindi marapat na mamayagpag ang mga LAND GRABBER lalo na yaong nagpapanggap na mga ENVIRONMENTAL ADVOCATES!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.