Advertisers

Advertisers

Dami nang abusadong barangay officials, BSKE ituloy sa Nob. 2

0 2

Advertisers

HATI ang mga senador sa panukala ni Senador “Chiz” Escudero na ipagpaliban muli ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) na nakatakda sa Nobyembre 2 ng taon.
Gusto ni Chiz na iatras ng Nob. 2028 ang BSKE at maging fixed na limang taon ang termino ng barangay.
Pero tutol dito ang ilang senador lalo si Tito Sotto. Aniya, paulit-ulit na ang pagpaliban sa BSKE. Ito’y labag na sa Salingang Batas at pag-abuso na sa karapatan ng mamamayan sa pagluklok ng kanilang lider sa barangay.
Binigyaan diin ni Sotto na marami nang kasalukuyang barangay officials ang nahaharap sa mga kaso ng katiwalian at pan-aabuso sa kapangyarihan. Kaya kapag na-extend na naman ang BSKE ay another pahirap ng ilang taon sa mamamayan ang mga opisyal nilang abusado. Mismo!
Huling nagkaroon ng BSKE taon 2023, na-reset ng 2025, tapos muling ni-reschedule ng Nob. 2026 matapos mag-ruling ang Korte Suprema na ang nakasaad sa Saligang Batas ay kada tatlong taon ang BSKE at ito ang dapat masunod.
Ayon sa survey ng kabataan, 7 sa bawat 10 Filipino ay nais matuloy ang BSKE sa Nob. 2. Dapat!
Ang filing ng Certificate of Candidacy (CoC) sa BSKE ay sa Setyembr 28 hanggang Oktubre 5, 2026.
Naipadala na ang mga form ng CoC sa mga Comelec sa mga probinsiya.
Ituloy ag BSKE sa Nob. 2.
***
Sa paglabas ng arrest warrant ng Quezon City RTC nung Huwebes ng hapon, Sept. 3, 2026, laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio, Sabado ng tanghali nang magpiyansa ang Bise Presidente ng P360,000 para sa 3 counts ng ‘Grave Threats’ laban kina Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta at noo’y House Speaker Martin Romualdez.
Ang pagbabanta ay ginawa ni Sara sa kanyang FB Live last year. Kaya mahirap niyang itanggai ang narekord na video.
Sa kanyang pagpiyansa nitong Sabado, ang daming drama niyang ginawa, nagbanggit ng mga salitang tanging may deperensa lang sa pag-iisip ang makapagsasabi katulad ng pagtanggi niyang sumakay sa elevator. Gusto nya raw kasama niya ang taumbayan para makita kung ano ang mangyayari sa kanya. Paano raw kung mapatay siya, sino ang mananagot?
Sinabi ng kanyang mga abogado partikular ni Atty. Michael Poa na gumamit nalang sila ng hagdan paakyat sa 3rd floor. Sabi ni Sara, paano kung itulak siya sa hagdan tulad ng nangyari kay Ninoy Aquino. Hahaha…
Hinikayat niya ang media na samahan siya. Nang tanungin ng media kung saan pupunta. Nagalit ito. Bakit n’ya raw sasabihin. Aray ko!
Saraulo talaga. ‘Pag ito nagong presidente sa 2028, kawawa ang Pinas.
God, save Philippines…