Advertisers

Advertisers

NBI MAY ‘GOOD LEADS’ SA PINAGTATAGUAN NI SEN. BATO!

0 0

Advertisers

MAY “good leads” na ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa habang nagpapatuloy ang manhunt operation para sa kanyang pagkakaaresto, ayon kay NBI Director Melvin Matibag.
Sinabi ni Matibag na pa-tuloy ang kanilang paghahanap sa senador at hindi sila tumitigil sa pagsubaybay sa kanyang kinaroroonan.
Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang NBI director hinggil sa mga impormasyong kanilang nakalap, ngunit tiniyak niyang nasa tamang direksiyon ang kanilang operasyon at hinihintay na lamang ang tamang pagkakataon upang tuluyang maaresto si Dela Rosa.
Pinangalanan si Dela Rosa bilang co-perpetrator sa ‘crimes against humanity’ sa war on drugs noong administrasyon ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Si Duterte ay higit isang taon na ngayong nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands