Admission rates sa Manila Zoo, walang pagbabago
Advertisers
SINABI ni Mayor Honey Lacuna na mananatiling pareho ang admission rates sa Manila Zoo sa taong ito, kasabay ng pag-anunsyo niya ng bagong schedule of operations at uri ng karanasan na hinahandog ngayon ng zoo sa mga bata, gayundin sa matatanda.
Base sa schedule na inilabas ng office of Public Recreations Bureau chief Roland Marino, sinabi ng alkalde na ang zoo ay bukas mula 11 a.m. hanggang 8 p.m. tuwing Lunes at tuwing Martes naman hanggang Linggo, mula 9 a.m. hanggang 8 p.m. Hanggang alas- 6 ng gabi ay puwede pang magpapasok
Sinabi ni Lacuna na sa loob ng zoo at mae-enjoy ang mga bata sa mga hayup ng malapitan dahil salamin lang ang naghihiwalay sa mga hayup at bisita.
Mayroong ding inaalok na personal interaction sa mga hayup at mga bisita, upang mas malaman nila ang mga kaalaman sa partikular na hayup na gusto nilang maka-interact.
Pinapayagan ang interactive feeding sa mga piling hayup habang ang mga batang bisita naman ay maaring mag-enjoy sa puppet show at mobile library na itinatag sa pakikipagtulungan ng Manila City Library, sabi ni Lacuna.
Samantala, sinabi ni Marino na sa utos ng alkalde ay mananatili ang presyo ng admission rates na: P150 for Manilans (for both adults and children) and P300 for non-residents of Manila.
Ang mga estudyante na residente ng Maynila ay P100 at P200 para sa non-Manilans habang ang senior citizens at persons with disability or PWDs ay P120 at P240 para sa Manilans at non-residents.
Samantala, ang admission rate para sa mga empleyado ng local government ng Maynila ay P100, kapareho din ng sa mga teachers sa ilalim ng Division of City Schools- Manila.
Ang mga batang two years and below ay libre ang admission habang ang senior citizens ay libre ang admission tuwing Miyerkules.
Sinabi ni Marino na na para ma-avail ang discounts sa zoo, ang guests ay kailangan lamang na magpresent ng valid IDs bago pumasok. Ang mga residente naman ng Maynila ay kailangan na magpakita din ng ID na nagsabing sila ay taga-Maynila. (ANDI GARCIA)