Advertisers
USAPANG marathon ang paksa sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Enero 25, sa PSC Conference room sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa malate, Manila.
Makakasama sa talakayan ganap na 10:30 ng umaga sina Manila Marathon LLC president at Race Director Dino Jose at MIL founding Secretary-General at Adviser Red Dumuk para mahimay ang mga paghahanda at programa para sa pinakamalaking marathon event ngayong taon.
Inaasahang lalahukan ng pinakamatitikas na local at foreign marathoners ang tornei na isa sa itinututing institusyon sa sports at naging daan para sa pagyabong ng athletics career ng mga premyadong atleta ng bansa tulad nina Eduardo Buanavista, Marestela Torres at Mary Joy Tabal.
Hinihikayat ni TOPS president Maribeth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiast na dumalo at makilahok sa programna itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat at mapapanood din via live streaming sa official Facebook page ng TOPS Usapang Sports, Bulgar Facebook page at sa Channel 8 ng PIKO (Pinoy Ako) – ang pinakabagong mobile apps na libreng mada-download sa inyong mga mobile phone.USAPANG marathon ang paksa sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Enero 25, sa PSC Conference room sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa malate, Manila.
Makakasama sa talakayan ganap na 10:30 ng umaga sina Manila Marathon LLC president at Race Director Dino Jose at MIL founding Secretary-General at Adviser Red Dumuk para mahimay ang mga paghahanda at programa para sa pinakamalaking marathon event ngayong taon.
Inaasahang lalahukan ng pinakamatitikas na local at foreign marathoners ang tornei na isa sa itinututing institusyon sa sports at naging daan para sa pagyabong ng athletics career ng mga premyadong atleta ng bansa tulad nina Eduardo Buanavista, Marestela Torres at Mary Joy Tabal.
Hinihikayat ni TOPS president Maribeth Repizo ng Pilipino Star Ngayon ang mga miyembro at opisyal, gayundin ang mga sports enthusiast na dumalo at makilahok sa programna itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat at mapapanood din via live streaming sa official Facebook page ng TOPS Usapang Sports, Bulgar Facebook page at sa Channel 8 ng PIKO (Pinoy Ako) – ang pinakabagong mobile apps na libreng mada-download sa inyong mga mobile phone.