Advertisers

Advertisers

FOOD SUPPLIER SA BUCOR MONOPOLYADO?

0 1,935

Advertisers

May mga FOOD SUPPLIER ang naghihimutok sa pangasiwaan ng BUREAU OF CORRECTIONS (BUCOR) .., kasi nga naman e as early of November last year ay nagpa-bidding para sa magsu-supply ng mga pagkain.., yun nga lang hanggang ngayon ay wala pa ring naiaaward kahit isang slots para sa food suppliers.

Hayun.., may ilang FOOD SUPPLIERS ang nagko-conclude na mayroon daw nagmomonopolyo para isa lang daw ang maging supplier at iyan ay nakabatay sa kumpas ng opisyal na tinagurian nilang si “DON PERYA”.., na ika nga, ang pa-bidding ay nahahalintulad daw sa ROLETA sa PERYAHAN na may daya.

Kahit may nanalo nang ibang supplier sa ibang slots ay ginagawan daw ng paraan upang ma-disqualify ang ibang legitimate supplier.., na hinahanapan ng paraan para malaglag at maiaward ang supplies sa iisang supplier lamang.



Ang bidding ay kunwarian lamang para may proof daw na nagsasagawa ng biddings.., pero ang reyalidad ay MONOPOLYADO ni DON PERYA upang isang SUPPLIER lang ang mamamayagpag sa naturang ahensiya.

Teka.., alam kaya ito ni BUCOR CHIEF DIRECTOR GENERAL GREGORIO CATAPANG? Pero, posibleng walang alam si SIR CATAPANG kasi ang wish ng SUPPLIERS ay.., maagapan daw sana ang isyu dahil kung mananatili ang gayong sistema ay malaking kahihiyan.umano ito para sa BUCOR.



Hiling ng mga SUPPLIER na.., “sana ay maaksyunan ito ni Gen Catapang para naman hindi mag mukhang Perya ang Procurement Process sa Bureau of Corrections.”

Kasi nga naman, November pa lang ay nag early procurement na ang BUCOR para sa pakain sa mga preso.



Ang siste ay meron nang mga nanalo sa bidding at nag recommend na ang Bids and Award Committee na iaward sa mga nanalo.., yun nga lang daw ay humaharang daw si DON PERYA at ginagawa ang lahat ng paraan para ma-DISQUALIFY ang lahat ng LEGIT SUPPLIER na nanalo sa bidding at ibigay lang sa nag iisang supplier.

Kaya pala nagtatagal maiaward ay dahil kung anu-anong butas ang hinahanap upang ma-DQ at maiaward lang sa isang supplier na pabor kay DON PERYA para sa FOOD SUPPLIES MONOPOLY na laan sa mga preso.

Naku.., naku e kailangan ang aksiyon dito ni GENERAL CATAPANG.., aantabayanan po natin ang isyung yan at sigurado ay bubulong sa ARYA ang ilang nagmamaktol na FOOD SUPPLIERS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.