Advertisers

Advertisers

Senator Bato umamin takot makulong ng ICC

0 34

Advertisers

INAMIN ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na natatakot siya makulong, matapos kumalat ang balitang malapit na silang arestuhin ng International Criminal Court (ICC)).

Sinabi ng dating Philippine National Police (PNP) Chief na nakaramdam siya ng pagkabalisa tungkol sa posibilidad na hindi na niya makikita ang kanyang mga apo.

Iginiit ni Dela Rosa na wala siyang ginawang mali, pero inamin niyang nag-aalala siya na lumaki ang kanyang mga apo na “lolo-less” dahil baka siya makulong sa The Hague.



“I am afraid of going to jail,” ani Dela Rosa.

Si Dela Rosa ay isa sa mga respondent sa kasong ‘crimes against humanity’ na isinampa sa ICC kaugnay ng ‘drug war’ sa ilalim ni dating Presidente Rodrigo Duterte.



Ang iba pang respondents ay sina Duterte, kanyang anak na si Vice President Sara Duterte-Carpio, ex-House Speaker “Bebot Alvarez”, ex-DILG Sec. Ismael Sueno, ex-DoJ Sec. Vitaliano Aguirre, ex-Police Col. Edilberto Leonardo, Police Col. Royina Garma, ex-NBI Director Dante Gierran, ex-Solicitor General Jose Calida, at SPO4 Sonny Buenaventura na sinasabing isa sa mga “hitman” ng Davao Death Squad.

Ang isa sa mga testigo ng ICC ay ang umaming dating assassin ng DDS na si Sgt. Arturo Lascañas.



Samantala, todo deny si Vice Pres. Duterte na kailanman ay naging bahagi siya sa mga nangyaring patayan sa kanilang lungsod noong vice mayor at mayor siya ng Davao City.