Advertisers
INIREREKLAMO ang isang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng kanyang kasambahay ng pananakit at pagbuhos ng mainit na tubig kamakailan sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si MSgt. Judith Baricaua, 40 anyos, ng Pastolero St., Barangay Camp Aguinaldo, Quezon City
Batay sa imbestigasyon ni Police Corporal Jordan A. Barbado, nangyari ang pananakit ng sundalo sa kasambahay na si Jemalyn Laquigan, 20, noong Enero 15, bandang 12 ng tanghali.
Nabatid na stay-in kasambahay si Laquigan simula Mayo 2022.
Ayon sa pahayag ng biktima, simula ng kanyang pagpasok kina Barbado, nakakaranas na siya ng pananakit at pang-aabuso rito.
Wala umano siyang mahingan ng tulong dahil bantay-sarado sa kanya ang sundalo.
Nabatid na Enero 15 nang buhusan ng sundalo ng kumukulong tubig ang paa ng kasambahay subalit nitong Lunes, Enero 22, lang nakakuha ng pagkakataon ang biktima na makontak ang kanyang mga tiyuhin at makahingi ng tulong.
Agad sinaklolohan ang biktima ng kanyang mga tiyuhin at dinala sa Quirinio Memorial Medical Center for Medico-Legal examination.
Wala sa bahay ang sundalo nang dumating ang mga awtoridad.
Nahaharap ito sa kasong Physical Injuries at Maltreatment ang sundalo.