Advertisers

Advertisers

Albie Casiño next Vivamax King?

0 25

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

ALBIE Casino is with Viva Artists Agency now.
Ito ang ikinukwento sa ngayon ni Albie to anyone who would care to listen.

Nasa promo period siya ng pelikulang Salawahan na mag-i-streaming na sa Pebrero 2, Biyernes.
This is directed by former singer Jeffrey Hidalgo, from the script of Raquel Villavicencio. As always, parte rin ng cast sina Angeli Khang, Sheila Snow, Van Allen Ong, at Itan Rosales.
Unang pelikula ito ni Albie sa Vivamax right after he signed an exclusive contract with Viva last September 2023.



Maayos daw siyang nagpaalam sa rati niyang manager na si Leo Dominguez right after na mag-expire ang kanyang kontrata.
Oozing with excitement na siya sa mga naka-line up niyang pelikula under Viva.
So far, wala raw siyang reklamo kung puro hubaran ang pelikulang naka-line-up sa kanya.
“Hindi ko naman kailangan na magpa-sexy. Sexy na talaga ako,” he kidded.

Dati, big deal sa kanya ang hubaran. Ngayon, okay na sa kanya kahit makitaan pa siya.
“Sa akin naman po kasi, hindi naman talaga tayo, pare-parehas naman kung anong meron tayo diyan, di ba?



“Ako naman, sobrang confident sa sarili ko… like sa katawan ko. Nung una, naninibago ka, may anxieties, may takot ka. Pero after nung second day… kasi di ba, sa una nagbi-bed scene ka, plaster lang po suot namin dun.

“Nung una, nahihiya ka pa… kukuha ka pa ng towel, tatakip ka. Pero bandang huli na, wala na talaga akong pakialam. Magta-towel ka pa ba, e nakita nyo na la-
hat to. Ano pang bago diyan!” natatawang sagot ni Albie.



First butt exposure ni Albie ang Moonlight Butterfly (2022) na pinagbidahan ni Christine Bermas.
Nakipagsabayan din siya sa Biyak (2022) nina Angelica Cervantes at Quinn Carillo. Ang Moonlight Butterfly at Salawahan ay parehong idinirek ni Joel Lamangan.

Is he willing to do a sexy film wherein he would be asked to do some frontal nudity?
“Isa lang yung problema ko dun. Alam mo naman, nag-iiba yung ano natin e, yung karga natin kumbaga.
“Maraming variables, di ba? Kung masisigurado ko na maipakita ko yung best ko, okay lang naman,” amused na sabi ni Albie.

What’s important is the project. Hindi rin daw siya tatanggi if he would be asked to use prosthetics.
Would he be willing to work with Kathryn Bernardo? Nagkasama sila sa Mara Clara, at kasunod noon ay ilo-launch na raw sana ang kanilang loveteam, yun nga lang hindi na natuloy gawa ng isyu kay Andi Eigenmann.

“Mahal na mahal ko yung trabaho ko. Kaya kahit sino pa ang makatrabaho ko, kahit saan nila ako ilagay. Even if that’s a thesis film ng film student and kung
pang-Cannes Film Festival, pareho lang ang effort na ibibigay ko, walang mababago diyan.
“So di ba? If they’ll give me a chance to work with her again, of course tatanggapin ko. Ipa-trend na nila sa X, di ba?”

**”
Ellen Campos mapagmahal sa mga apo
ALAM niyang kailangan ng tulong ng kanyang anak sa pag-aalaga ng kanyang apo kaya open si Ellen Campos sa ganitong set-up.

Nagdaan din siya sa pagiging working wife kaya naiintindihan niya ang ganitong setup.
Besides, masarap talagang mag-alaga ng mga apo kaya buong puso niyang inaalagaan ang kanyang mga apo.

Taking care of her grandchildren is a vocation that she loves to do.
Not only because it gives her and her husband a sense of purpose but also because she understands that her daughter needs all the help that she can possibly give.
Another thing, very fulfilling ang mag-alaga ng mga apo. Parang ramdam niya’y she is young again and she is attending to the needs of her children all over again.

Follow me in Police Files Tonite tabloid at Yari Ka!
Send in those amusing and sizzling stories at #09276557791.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!