Advertisers
Iginawad ng Philippine Ports Authority (PPA), sa pamamagitan ng kanilang Bids and Awards Committee, ang Notice of Award para sa port terminal management contract ng Iloilo Commercial Port Complex (ICPC) sa International Container Terminal Services, Inc.’s (ICTSI) nitong Lunes, Enero 29, 2024, na may kabuoang project cost na P10,529,133,911.03.
Bagama’t hindi pa nailalabas ang Notice to Proceed, sa ilalim ng kontrata kinakailangang mag-remit ng ICTSI ng 20% ng annual gross revenues sa PPA para sa unang limang taon, kasunod ng fixed concession fee sa ika-anim hanggang ika-10 taon, na susundan naman ng incremental increases batay sa consumer price index kada tatlong taon simula sa ika-11 hanngang ika-25 taon.
Ang computed concession fee ay umabot a P4,722,287,110.89 habang ang Port Development Cost ay umabot naman sa P5,806,846,800.14.
Kasunod ng paglalabas ng Notice of Award, dadaan naman ito sa review ng Office of the Government Corporate Counsel bago ang pagpirma ng kontrata at ang huli ay paglalabas ng Notice to Proceed.
Nangako ang PPA na sisiguruhing magiging patas, transparent, at competitive ang proseso ng bidding para sa karapat-dapat na makapag-ambag sa patuloy na tagumpay ng Iloilo Commercial Port Complex.