Advertisers

Advertisers

P1.4m droga nasamsam sa 2 tulak sa Navotas

0 36

Advertisers

Kulong ang dalawang tulak ng ilegal na droga nang makuhanan ng mahigit P1.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police chief P/Col. Mario Cortes ang naaresto na sina alyas “Tere”, 41, biyuda, (pusher/listed); at alyas “Mark”, 18, kapwa residente ng Saint Joseph, Richfield Subdivision, Santa Rosa Laguna.

Sa ulat ni Col. Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, 9:56 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unity (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ang mga suspek sa Matang Baka St., Brgy. NBBS Dagat-Dagatan matapos bentahan ng P22,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang 220 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,496,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">