Advertisers

Advertisers

Ang Kolektor!

0 60

Advertisers

Hindi po siya kolektor ng ending o ng jueteng.

Ang mga kinokolekta niya mga item sa mundo ng Pinoy basketball .

Bola gaking sa taong 1910, Betamax ng pelikula ni Benjie Paras na Dunkin Donato, PBA annual mula 1975-76 season, manika ni Kenneth Duremdes, letrato ng mga pambansang koponan, team banner ng Crispa at marami pang ibang memorabilia.



Yan ang ilan sa mga koleksyon ni Michael Rico Mesina. Nag-umpisa siya nito lang pandemya at umabot na sa halagang isang milyong piso ang nagugol niya sa kanyang hobby.

Noong bata pa raw ang doktor ng medidina na collector ay mahilig na siya bumili ng mga sport magazine gaya ng Champ, Sports Weekly at Scoreboard. Yung baon niya kanyang iniipon para umiskor ng mga nabanggit na babasahin.



Pangarap raw niya ng magtayo ng isang museo ng mga mementos.

“ Yan po ang dream project ko para sa mga basketball aficionados, “ wika ni Doc Mico.



Naging espesyal na bisita natin siya sa OKS@DWBL noong Lunes.

***

Sa wakas naitalaga na si Tim Cone na H.C. ng Gilas 2024 at napangalanan niya ang labing dalawang player nitong Lunes.

Halos lahat mga dati at naglaro nuong nakaginto sa Asian Games pero may ilan ding mga bagong mukha. Yung mga regular sa pambansang koponan sina Dwight Ramos, JuneMar Fajardo at Kai Sotto. Mga nasa huling Asiad na maganda ipinakita kaya isinama ulit ay sina Chris Newsome at Calvin Oftana. Bagong pasok naman sina Kevin Quiambao at Carl Tamayo. Great mix.

Ang questionable lang ay ang status ni Justin Brownlee na hanggang ngayon hindi pa napapatawan ng parusa hinggil sa positive test sa illegal substance. Pwede ipalit sina Ange Kouame o si Andray Blatche. Maigi hindi binilang yung. humihingi ng malaking bayad. Saka hindi umubra yung taga-NBA para mas umiikot ang bola.

Maaari naman mag-iba-iba line-up bawa’t window.

Dependent kung available ang isang cager o sa planong match-up ni Cone

***

Big W ang nagawa ng Lakers kahapon sa Boston kasi wala sina LeBron James at Anrhony Davis. Nakontrol nila ang game mula tip-off sa leading team ng Eastern Conference..

Taliwas ng kasanayan ay umiskor sila ng maraming tres at kakaunti turnover at foul.

19 sa 26 sila sa rainbow territory. 53% yan na mas mataas pa sa kanilang field goal na 40%.

Tapos error ay pipito lang at wala lamang pf.

Dahil sa panalo ay nakabalik sila .500 at may momentum para sa paghaharap nila ng Knicks bukas sa NY. Nag-over confident kasi ang Celtics nang malaman wala ang dalawang superstar sa katunggali.

Tiyak masaya si Manilyn Reynes na isang taon ng fan ng purple and gold. Paano daw kasi ay kahawig ng laro ni AD ang sa anak na si Kirk.ng gumaganap na asawa ni Bitoy sa hit sitcom na Pepito Manaloto.