Advertisers
WALANG takot na isiniwalat ni Jeff Ian Dy, undersecretary ng Department of Information and Communications (DICT), na galing sa Tsina ang ilang pangunahing atake sa cybersystem ng bansa. Tinukoy ang Lonely Island, Meander, at Panda bilang mga tagnames ng pangunahing atake sa information superhighway ng bansa lalo na sa mga government websites, ani Dy, isang dalubhasa sa cybersecurity.
Naglabasan ang mga ito sa huling bahagi ng 2023, ngunit kagyat na natunton ng DICT ang pinagmulan, ginawan ng karapat dapat na pangontra, at naabisuhan ang mga ahensya ng gobyerno upang hindi makapaminsala, aniya. Bahagi ng tinawag na “darkware’ ang mga ito kung saan nangangalap ang mga tagakalat ng atake ng mga impormasyon tungkol sa mga inatake, aniya.
Ipinaliwanag ni Dy at dalawang akademiko sa katauhan ni Prof. Renato de Castro ng De La Salle University at Dr. Chester Cabalza ng International Development and Security Cooperation (IDSC) sa kanilang pagharap sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Kyusi ang pagsulpot ng tinawag nilang “cognitive warfare” kung saan ginagamit ang cybersystem ng isang bansa upang baguhin ang pananaw ng mga mamamayan na ayon sa kanilang agenda.
Kasama sa cognitive warfare ang pagkakalat ng fake news, o huwad na balita, at deep fakes, o mga tanging lathalain na may malalim ng panliligaw sa mga mambabasa. Kasama rin ang pagkakalat ng false voting information upang ikondisyon ang isip ng mga botante sa mga itinakdang maling impormasyon upang iligaw ang mga botante, ani Dy.
Layunin ng cognitive warfare ang data harvesting kung saan inaani ang mga datos mula sa mga natarget ng kanilang atake, ayon kay Castro. Binanggit ni Cabalza ang pangangailangan ng ibayong pag-iingat dahil nakataya ang pambansang seguridad. Sinabi niya na kailangan ang military diplomacy sa kasalukuyang sitwasyon.
Kasama sa mga atake, ayon kay Dy, ang pagsira sa mga submarine cable system kung saan mayroon 11 ang bansa na pawang nakalubog sa karagatan na nakapaikot. Inaabot ng 130 araw ang pagkumpuni ng mga nasirang underwater cable at malaki ang dulot na pinsala sa industriya ng BPO kung saan kinukuha ng bansa ang mahigit sa $30 bilyon na kita taon-taon.
Nakabantay aniya ang Sandatahang Lakas upang pangalagaan ang mga submarine cable system at kagyat na nagbibigay ng situation report sa anuman pag-atake upang sirain ang mga ito. Maayos ang ating seguridad sa isyu na ito, aniya.
Sa panig ni de Castro, nilinaw na nasa digmaan ang Filipinas kahit walang bansa na nagdeklara ng digmaan sa atin. “markado tayo,” aniya sa kanyang reaksyon sa mga sinabi ni Dy na mukhang sa Tsina nanggaling ang mga atake sa ating cybersystem.
Mayaman ang China ngayon, aniya. Gagawin ang lahat upang makapanguyapit sa poder, ani de Castro. Pangunahing layunin ng Tsina na sindakin tayo, aniya, hanggang bumigay tayo sa kanyang maitim na balak.
Kasama ni de Castro si Cabalza sa pangangailangan na baguhin ang takbo ng ating isipan at salaysay at huwag magpadala at magpasindak sa Tsina.
***
SA pagharap sa media, sinabi ni Dy, ang DICT undersecretary for cybersecurity, na inatake ng hindi kilalang nilalang ang website ng Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) kamakailan, ngunit hindi sila nagtagumpay dahil nalapatan ng sapat na pangontra ang atake. Sinabi ni Dy na tinangka na alisin sa Internet ang OWWA website, ngunit dahil sa maagap na pagkilos ng DICT, hindi sila nagtagumpay.
Nilinaw ni Dy na natuklasan ng DICT na nagkaroon ng operasyon ang mga attacker sa teritoryo ng Tsina at ginamit ang sistema ng United China Network Communications (Unicom), isang korporasyon ng Tsina, sa pag-atake, aniya.
Ngunit hindi nangangahulugan na kasama ang gobyerno ng Tsina sa pag-atake, aniya. Nakilala ng DICT na ang IP ay lahat galing ng Tsina, aniya. Inaasahan na magpapatuloy ang mga atake sa ating sistema kahit iniulat na ng gobyerno natin ang mga atake na nanggaling sa teritoryo ng Tsina, aniya.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: ”Imee Marcos is in a very awkward situation. She continues to support the Dutertes, who are out to destroy her brother. Duterte people do not trust her. Baka raw Trojan Horse.” – Manny Mogato, netizen, journalist, Pulitzer Prize Awardee
“Dati nang napahiya si Ping Lacson. Nang lumabas ang balita na may inihahanda na habla si Sonny Trillanes sa ICC, nagsalita si Ping Lacson at niliit ang balak ni Sonny Trillanes. Pareho silang senador noon. Sinabi ni Ping na mapupunta sa basurahan ng kasaysayan ang asunto. Siempre, nagsalita siya ng hindi naiintindihan ang asunto. Wala siyang alam sa proseso ng ICC. Ang tingin niya sa ICC ay pareho ito ng lokal na hukuman kung saan nabibili ang mga huwes. Hindi nangyari iyon kasi sumulong ang asunto na pinangunahan ni Sonny Trillanes at Gary Alejano ng Samahang Magdalo sa ICC. Si Ping Lacson ang napunta sa basurahan. Natalo siya noong 2022. Ngayon kinakabahan si Gongdi, Bato, at ang mga mamamatay tao ng Davao City at PNP. Aral: Mahirap ang nagsasalita ng tapos kung hindi naiintindihan ang isyu. Walang dahilan upang hangaan si Ping Lacson. Mas naaalala ko nang tumakbo siya sa asunto, nagtago kung saan-saan ng mahigit isang taon, at lumantad lang nang wala na sa poder ang kanyang kaaway na si GMA. Ngayon, nililit ni Ping Lacson ang testimonya ni SPO3 Arturo Lascanas na isinumite sa ICC. Ang problema kay Ping Lacson ay hindi siya kumibo habang pinapatay ang libo libong kababayan natin nina Gongdi, Bato, at mga kriminal ng PNP. Doon siya pumanig sa mga mamamatay tao… Kasi mamamatay tao din siya? Hindi ko sinabi iyan. Nagtatanong lang.” – PL, netizen, kritiko
“It’s truly funny and amazing that Francis Tolentino has registered what was described a “favorable stand” on the expanded Philippines – U.S. Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Tolentino is switching side, when it is most comfortable. In his first ever privilege speech in 2019 on the Senate floor, Tolentino asked the Senate to concur what he described a verbal agreement between Rodrigo Duterte and Xi Ji-min. He could not present anything concrete and the Senate did not act on his proposition, making him a laughingstock. Imagine asking the Senate to concur on something Tolentino did not know. Just trust Duterte, he urged his colleagues.” – Jorge Nebreja, netizen
“Tinawag na ‘iyaking parak’ si Bato ng isang netizen. Magaling lang si Bato kapag mahina at walang laban ang kalaban. Di palaban.” – Richard Gomez, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com