Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
AYON sa sikat na content creator na si Gavin Capinpin o Ser Geybin, ang mga naging inspirasyon niya para pasukin ang pagiging content creator ay ang sikat ding Yotuber at vlogger na si Cong TV, at siyempre ang pamilya ni Gavin, kabilang na ang pumanaw niyang ama.
Mga sikat ding content creators ang mga nakababatang kapatid ni Gavin na sina Allen (Chief Allen) at Kelzy Capinpin (Capt. Kelzy), maging ang ina nilang si Beth Capinpin (Mama Beth).
Dating isang teacher, maraming hirap na pinagdaanan sina Gavin, tulad na lamang ng kawalan ng pambayad sa bills ng ama nilang si Pedro na naospital.
Umabot sa punto na nag-resign bilang guro si Gavin at nagdesisyon na magtinda ng turon at lumpia para sa mabilis na pagkakakitaan.
Sa kasawiang palad ay pumanaw ang ama nila noong 2022.
Pinagdaanan din nila ang hirap ng kawalan ng pambayad sa nirerenta nilang tirahan.
Pero ngayon ay maginhawa na ang kanilang buhay, sa katunayan nitong nakaraang Pasko ay niregaluhan ng Capinpin brothers ang kanilang ina ng tatlong bahay sa lugar nila sa Cabanatuan City.
Mayroon itong tatlong swimming pool na may waterfalls, jacuzzi, home theater, billiard table at iba pang amenities.
Popular ang Capinpin brothers sa kanilang prank videos.
Sa launch ng CreaTV Management Inc. ay walang kamalay-malay ang ina at mga kapatid ni Gavin na parte siya ng kumpanya; ang sabi lang niya sa mga ito ay may pupuntahan silang event
Ang CreaTV Management Inc. na isang influencer management company ay naglalayon na ikonek ang mga talentadong content creators (vloggers, bloggers, Youtubers at iba pa) at influencers sa mga brand at mga businesses o negosyo.
Nag-aalok din ang CreaTV Management Inc. ng social media management at troubleshooting services sa mga content creators at influencers.
Ang dalawa pang partners ni Gavin (na may 8.6 million Facebook followers, 7.7 million Tiktok followers at 3.61 million Youtube subscribers) sa CreaTV Management Inc. ay ang negosyanteng si Edmar Estavillo at ang sikat na vlogger na si Norvin dela Peña na kilala bilang si Vin FPV na may 9 million Facebook followers, 1.9 million Tiktok followers at 1.08 million Youtube subscribers.
Si Norvin naman ang tumatayong COO of Chief Operating Officer ng kumpanya.
Samantala, ang ilan sa mga content creators na nasa pangangalaga ng CreaTV Management Inc. ay sina Adeng Vlogs, Ashley Meng, BALOT Official, BASSVenturez, Bessang TV, Boss Lucio, Bugz Tv, Charish TV, Charming Dela Pena, Christine Yalong, Clint Lozada, Drolah Sanchez, DR3N TV, Elma Asagra, FCY Channel, ForeignGerms Hazel Cheffy, idol mauwie, Inday makulay, Jose Guanzon, JU TV, Karl Himantog, Kilengtv, Laysa Benusa, Lea Vlogs, LOTTE LOTTE, Lovely LANG Malakas, Macky TV, Matthew Rosa, Mudrah Bell, Park soo boy, Primo, Rochelle And Alvin, The Pinoy Dog Whisperer, The Triot Bros, Tito Noel (o The Green Soldier ng Baguio),TOGOTV, Trisha Moon, Unexpected But Planned, xTakki, Princess Loreto, Boss GK, MightyMyke, Jayvee Almazan, Genesis Almazan Bilaza at ang aktres na si Diana Zubiri.
***
SA Vivamax movie na Palipat-Lipat Papalit-Palit ay may rape scene si Aiko Garcia kung saan gumaganap siya bilang si Amy.
Hindi raw ito ang unang rape scene ni Aiko, may rape scene rin daw siya sa Halu Halo Express ng Vivamax, at doon daw ay nahirapan siya na itawid ang naturang eksena.
Sa direksyon ni Roman Perez, Jr. at kasalukuyan na ang streaming sa Vivamax, nasa pelikula rin sina Denise Esteban (bilang si Edna) at Victor Relosa (bilang si Larry), ang mag-asawang magugulo ang pagsasama sa pagdating ng misteryosang babaeng si Amy.
Bago ito ay may nagawa na ring rape scene si Aiko, sa 2023 Vivamax series na Halo Halo X.
Doon daw siya nahirapan dahil unang beses niyang sumalang sa isang rape scene.
“Doon medyo naano ako, medyo na-bother ako dahil nga doon sa naging experience ko, natatakot talaga ako na gawin siya, kasi baka mamaya yung anxiety ko, ganyan. Pero naitawid ko iyon kahit nandun talaga yung takot.”
Hindi naman na raw siya nahirapan sa rape scene niya sa Palipat-Lipat Papalit-Palit.
“Mas kinaya ko na siya,” lahad pa ni Aiko.
Nagka-anxiety si Aiko dahil ten years ago, dalagita pa lamang siya ay may pumasok na lalaki sa bahay nila at mabuti na lamang at nakatakas siya kundi ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya.