Advertisers

Advertisers

Pops inamin, naging dyowa si Jomari at niligawan ni Piolo

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA huntahan with Vice Ganda sa vlog ng “It’s Showtime” host, inamin ni Pops Fernandez na nagkaroon siya ng boyfriends pagkatapos ng hiwalayan nila ng ex na si Martin Nievera.

Aminado rin siyang it took sometime for her na mapatawad ang dating love team partner na si Martin.



May mga nakarelasyon din daw siyang mas bata sa kanya.

Sa ngayon daw ay single siya at hindi naman naghahanap ng lalake.

Hindi rin niya ikinaila na naging magdyowa sila noon ni Jomari Yllana.

Hirit pa niya, niligawan din daw siya noon ni Piolo Pascual.

Tungkol naman sa pagpapa-sexy niya sa FHM magazine, tutol na tutol daw noon ang kanyang inang si Dulce Lukban.

Katuwiran niya, gusto raw lang naman niyang i-try ang trend noon at patunayang may ipagmamalaki siyang alindog.



Sumalang din si Pops sa “POPatusin o TroPOPs” challenge kung saan nagbigay si Vice ng  mga lalake na bet niyang patusin o tropahin.

Sa kaso ni Paulo Avelino, bet daw niyang tropahin ito.

Dahil kaibigan daw naman ng common friend nila si Alden Richards ay trotropahin niya ito.

Pagka’t nakasama na raw niya noon sa isang proyekto si Jestoni Alarcon ay gusto lang niyang mapanatili ang pagiging katropa rito.

Inamin din niyang naseseksihan siya kay Gardo Verzosa pero tropa lang daw niya ito lalo pa’t nakasama na niya ito sa isang dance collab.

Bet na bet daw niya ang pagsusuot nito ng stillettos.

Dahil close friend daw naman niya si Maricel Laxa ay bet daw niyang tropahin lang si Donny Pangilinan.

Itrotropa rin daw niya si Daniel Padilla dahil kilala niya ang mga kamag-anak nito tulad ni Robin Padilla.

Napakabata raw naman para sa kanya ni Kyle Echarri kaya ang pagiging tropa lang ang maii-offer nitong pakikipagkaibigan.