Advertisers

Advertisers

Paolo ayaw tawaging bakla ang mga miyembro ng LGBTQIA+; Rayver at Julie Anne pinakilig ang isa’t isa

0 13

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA guesting ni Paolo Contis sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niya na hindi siya pabor sa paggamit ng salitang bakla sa mga miyembro ng LGBTQIA+community.

Paliwanag ng aktor, pantay-pantay ang lahat ng tao at parang hindi raw kasi maganda sa pandinig ang pagtawag ng bakla sa sinumang indibidwal.



“Ayoko ‘yung term na bakla, we’re all human beings, ganu’n lang kasimple ‘yun.

Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng ‘babae,’ ‘lalaki,’ ‘bakla.’ I mean, it’s just too much,” sabi ni Pao.



Marami raw kaibigan si Paolo sa LGTBQIA+ community at isa raw ito sa mga  natutunan niya at dapat daw ay nirerespeto nang kusa ang mga beki.

“Everyone, pare-pareho tayong nabubuhay, pareho tayong nagmamahal ng pamilya.



“Gusto lang naman natin maging masaya, minsan nasasaktan. Pantay-pantay tayo. ‘Yun lang ang natutunan ko sa mga kaibigan nating LGBTQ+.

“I mean, we’re all human beings, we don’t need to demand respect, we just need to be respected. It’s a birthright,” dagdag pang paliwanag ni Pao.

***

Hindi pinalampas ni Rayver Cruz ang pagkakataon na iparamdam nang husto sa girlfriend niyang si Julie Anne San Jose ang pagmamahal niya sa araw mismo ng kaara­wan nito noong Friday, May 17.

Narito ang punung-puno ng pagmamahal na birthday message ni Rayver kay Julie Anne.

“To my best friend, my constant, my soulmate and my love.

“Happy-happy birthday to you! You are now officially 30, yay hehe!

“Couldn’t be more prouder mahal. Alam mo namang andito lang ako palagi sa tabi mo kahit ano mangyari.

“Palagi ko na sinasabi toh pero hindi ako magsasawa na maging number 1 fan mo for life, thank you so much kasi araw-araw mong pinapasaya ang puso ko.

“Mahal na mahal kita my Limitless Star!”

Oh, bongga, ‘di ba? Ang saya na sinabi ni Rayver na sya ang magiging number one fan ni Julie Anne for life, na magpapasaya, magmamahal sa kanya.

At siyempre, hindi pakakabog sa sagot si Julie Anne.

“Thank you my love! I feel blessed everyday dahil binigay ka sa akin ni Lord. Mahal na mahal kita.”

At siyempre, super kilig ang mga fan nila sa eksenang ito.