Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pagsalang ng celebrity mom na si Sofia Andres sa vlog ni Karen Davila, isa sa naitanong ay tungkol sa kasal.
Sa 9 years na relasyon kasi nila ng partner na si Daniel Miranda ay nabiyayaan na sila ng isang anak na babae, si Zoe.
Taong 2015 pa magkarelasyon sina Sofia at Daniel pero tila ayaw pa ng mag-partners na magpakasal.
Napag-uusapan naman daw nila ni Daniel ang kasal at naluha na nga si Sofia at inamin nito na di pa sila handa na magpakasal.
Darating daw ‘yun sa takdang panahon pero not now, sabi pa ni Sofia.
Katuwiran pa nito na may mga married nga raw ay naghihiwalay pa at meron namang di kasal pero nagtatagal.
Wag nga raw mag-alala ang netizens at pasasaan ba’t darating din sila ni Daniel sa pagpapakasal.
***
SA pagbabahagi ng talent manager na si Lolit Solis sa alaga nitong si Paolo Contis ay awang awa ito sa pambabatikos at pambabastos na ng bashers sa aktor.
Puro kanegahan nga raw ang mababasa kung followers ka ni Paolo sa kanyang socmed account.
Patuloy pa rin daw naghihimasok ang mga epal at kung anu anong intriga ang pinupukol kay Paolo.
Pakiusap nga ni Lolit na alam nga raw nito na public figure ang mga artista.
Pero ‘yung mga bagay nga raw na gusto na lang nila na sila na lang nakakaalam ay hayaan na nga lang daw sana ng madla.
Saka ‘yung happiness nga raw na nadarama ngayon ni Paolo ay hayaan na sa kanya.
At huwag na raw panghimasukan pa ang mga personal na buhay ng mga artista.
Ibigay na lang daw natin kay Paolo ang nagpapaligaya sa kanya, pagtatanggol pa ng talent manager sa kanyang alaga na si Paolo.
Well, well, well…’Yun na!