Advertisers

Advertisers

PANGAMBA SA CHINA

0 18

Advertisers

MAY batayan sa kasaysayan kung bakit may pangamba ang Filipinas sa kasalukuyang asal ng China sa rehiyon. Hindi nawawala ang takot na baka sakmalin tayo ng higanteng China at sakupin ng walang abog. Nanatiling nakaukit sa ating kolektibong alaala ang karanasan natin sa mga militaristang Japones na dumating noong panahon ng kolonyalismo ng Estados Unidos at bago sumiklab ang Pangalawang Digmaan Pandaigdig.

Hindi dapat pagtiwalaan ang China sa bansa. Mas masahol ang China kung ihahambing sa mga Japones bago sumiklab ang digmaan. Ngayon, agresibo ang mga Intsik sa pag-iimpluwensya sa pulitika ng bansa. Halos katapusan ng digmaan, o 1944, sumulpot ang Makabayang Katipunan ng (Makapili) bilang organisasyon na ang pangunahing layunin ay tulungan ang Japon upang palakasin ang kanyang liderato sa bansa.

Sa huli, naka suklob ng bayong sa ulo ang mga kasapi ng Makapili. May butas ito para sa mata. Itinuro nila ang mga kababayan na pinaghinalaang sangkot sa kilusang gerilya kontra Japon. Isinumpa ang mga Makapili at mrami sa kanila ang pinatay, pinahirapan, at isinuka ng lipunan. Itinuturing sila na mga traydor at kalaban ng bayan.



Hindi nagsusuot ng bayong ang mga makabagong Makapili sa bansa dahil wala pang digmaan. Madali silang makilala dahil kitang-kita ang kanilang pagkiling sa China. Marami sa kanila ang mga kasama sa sindikatong Dabaw. Marami ang mga dating bata ni Gongdi noong sila ang nasa poder. Pilit na ipinakikita nila na masyadong malakas ang China at minamaliit an gating alyang militar sa Estados Unidos.

Pinangungunahan sila ni Gongdi na nananatiling bilib na bilib sa China kahit kinamkam na ang ating teritoryo. Nanatiling alipin si Gongdi ng China at hindi nagbago ang paninindigan kahit nagbago na ang foreign policy ng bansa ilalim ni BBM at bumalik tayo sa alyansa sa Estados Unidos. Hindi ikinahihiya ni Gongdi na tawagin siyang taksil at traydor sa bayan. Hindi siya natitinag kung halos isumpa siya ng sambayanan sa kanyang pagkiling sa Peking.



***

HINDI namin akalain na hindi senador, bise presidente, o sinuman na may hawak na national post ang paborito ng dalawang pulitiko na umaasam na masungkit ang dalawang pangunahing local government post sa bayan ng Floridabanca sa Pampanga. Ikinumpisal nila ang kanilang paghanga kay Vico Sotto, ang alkalde ng Pasig City na nanguna sa pagbabago sa siyudad.



Mas bata sa edad si Vico kung ihahambing kay Engr. Mike Galang at Dr. Allan Policarpio na nag-aambisyon na tumakbong alkalde at bise-alkalde sa 2025 sa bayan ng Floridablanca sa lalawigan ng Pampanga. Si Galang ang kasalukuyang vice mayor at doktor medisina si Policarpio na espesyalista sa mga sakit sa tiyan.

Humarap kamakailanga ang dalawang umaasam na masungkit ang pangunahing posisyon sa Floridablanca sa isang pulong balitaan sa mga kapi ng Capampangan in Media, Inc. (CAMI) sa Angeles City. Ipinaliwanag nila ang kanilang programa sa gobyerno kung sakaling mahalal at tinalakay ang pangunahing suliranin ng bayan tulad ng pagtatapon ng basura.

First class municipality ang Floridablanca, ayon sa DILG. Dito nakabase ang Basa Air Base ng Philippine Air Force at isa ito sa siyam na base militar na pinangalanan ng Estados Unidos at Filipinas batay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDSA). Nilagdaan ang EDCA noong 2014, ngunit hindi kumilos si Gongdi noong siya ang pangulo. Kabaligtaran ang ginawa ni BBM. Pagkatapos ng state visit ni BBM sa Peking noong buwan ng Enero, 2023, dumating si U.S. Defense Lloyd Austin sa bansa at kagyat na ipinatupad ang EDCA.

***

PAHAYAG ni Senadora Risa Hontiveros hinggil sa bagong Chinese policy na ikukulong ang ang mga maglalayag sa South China Sea.

China’s new policy only affirms her emerging reputation as a rogue nation.

The Atin Ito civilian mission – a rightful and peaceful show of solidarity – clearly hit a nerve for China. But instead of responding like a dignified country, she resorts to this tyrannical tactic that will only escalate tensions even further.

Should Beijing dare push through with this illegitimate regulation, the Philippines’ hand may be forced to sue them again in the Hague Tribunal.

In the meantime, as advised by former Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, the Philippine government must now urge allies such as the US, Japan, Australia, France, and other like-minded nations to oppose this flagrant violation of international law by joining our patrols within our Exclusive Economic Zone.

China better abrogate this shameless policy. China better stop inciting violence in our waters. China better leave the West Philippine Sea alone

***

MAYROON pahayag si dating senadora Leila de Lima at pakibasa:

“What was China thinking in coming out with its new regulations authorizing the [Chinese Coast Guard] to detain ‘trespassers’ in the South China Sea? This means only one thing. China intends to escalate tensions with its neighbors and their allies. To what end only China knows. The first attempt by the CCG to detain a non-Chinese ship in South China Sea will be a test case of the future nature of engagements between China and the rest of the world. The world will not allow China to unilaterally enforce its claim over a large swath of international waters. China cannot afford to do this and still sustain a semblance of international law in its relations with the world. That China is doing this despite the certainty of escalation only means that it is gearing up for confrontation in a game of ‘chicken’ that its main adversary, the US, is not really known for backing down from. In short, these regulations are a pointed challenge to the US and its allies, with China saying ‘What are you gonna do about it?.’ China is playing a reckless game it cannot win.”

***

MGA PILING SALITA: Rafaela David’s courageous leadership in leading the civilian initiative convoy in Bajo De Masinloc is greatly admired and respected by the Filipino people. Not only has she raised awareness among us Filipinos, but she has also shed light on our stance in the West Philippine Sea for the global community to witness.

Failing to acknowledge and belittling the patriotic contribution of these brave civilians who willingly joined the convoy, despite knowing that they would face harassment and bullying from the Chinese Coast Guard, is the epitome of immorality. Even more egregious is aligning oneself with China’s narrative to undermine such a remarkable achievement.” – Commodore Jay Tarriela, spokesman of the Philippine Coast Guard on West Philippine Sea

“We have a Philippine military that holds no malice for Red Chinese seductions, not to mention geopolitical implications. Alarm does not even come close to how we should properly react.” – Antonio Montalvan, journalist, netizen