Advertisers
NABUKING ang siyam na miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na nagsisilbing badigard ng isang Chinese national sa Muntinlupa City sa halip na gampanan ang kanilang tungkulin bilang miyembro ng elite force ng pulisya.
Nabulgar ang pag-moonlighting ng nasabing SAF members nang magsuntukan ang dalawa sa mga ito, at nagkaroon ng injury sa ulo ang isa.
Ang mga loko-lokong SAF members na ito ay naka-assign sa Zamboanga City pero nagsisilbing mga badigard ng Intsik sa Muntinlupa City. Tsk tsk tsk…
Sinipa na raw sa puwesto ang siyam na ito, damay ang kanilang unit commanders. At iniimbestigahan kung bakit nasa Muntinlupa City ang mga ito, nagsisilbing badigard ng Tsekwa sa halip na gampanan ang kanilang duty sa Mindanao.
Hindi na bago sa atin ang pagbabadigard ng mga pulis sa mga negosyante lalo sa mga Intsik na maraming kaaway sa negosyo.
Naalala n’yo ba ang sinasabing “drug lord” na si Michael Yang?, ang naging presidential economic adviser ni Digong Duterte na sangkot sa maraming anomalya at can’t be found na ngayon, tambak ang police bodygards ng gagong yun, daig n’ya pa nga ang presidente.
Nangyayari lang naman ang pagbabadigard ng mga pulis sa mga negosyanteng kriminal kapag pumayag ang hepe ng kinabibilangan nitong unit. Ang suweldo nung pulis sa PNP ay napupunta ang kalahati sa kanyang hepe, at hati rin sila sa suweldo sa sini-secure niyang negosyante. Mismo!
Kung sinoman ang Intsik na sini-secure nitong siyam na SAF members, dapat imbestigahan ang pagkatao nito. Bakit mayroon siyang siyam na badigard na galing pa sa elite force ng PNP. Ano ba ang negosyo niya? Baka droga rin?
***
Pinapayagan naman ang pagbadigard ng pulis sa mga negosyante at politiko, pero kailangan ng aprubal ng PNP Chief at mula lamang sa Police Security and Protection Group (PSPG), hindi sa SAF na elite force ng PNP.
Sa nangyaring ito sa siyam na SAF members, dapat ipa-recall uli ni PNP Chief ang lahat ng pulis na nagsisilbing badigard. Mismo!
Kulang na kulang na nga tayo sa bilang ng mga pulis, tapos mababalitaan nating siyam na SAF members ay nagbabantay sa isang Chinese national lamang. Animal!
***
Grabe itong bagong polisiya sa West Philippine Sea na inanunsyo ng China govt. Ikukulong daw nila ang mga mahuhuli na pumapasok sa mga pinaglalabanang bahura sa WPS.
Eh sila itong walang karapatan pumasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas, tapos sila pa ang manghuhuli sa ating mga mangingisda sa WPS. Wow!!!
Hindi ito dapat payagan ni Pangulong “Bongbong” Marcos. Kapag ipinatupad ito ng China, patay na kung patay… Dahil kung hahayaan nalang ang mga Intsik na ito sa kanilang pangbu-bully, malamang makuha nilang tuluyan ang mga bahura na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas katulad ng Ayungin Shoal kungsaan nakabara ang BRP Sierra Madre na nagsisilbing himpilan ng ating mga sundalo na nagbabantay sa ating teritoryo.