Advertisers

Advertisers

GALAWANG IMELDIFIC

0 1,319

Advertisers

HINDI batid ng mga kasalukuyang kabataan ang maraming pagmamalabis ng dating pamahalaan na ang lider ay kapangalan ni Boy Pektus. Samu’t sari ang pagmamalabis na ‘di mailalarawan na nagbigay daan sa pagpapalawig sa pwestong tangan. Hindi mabilang ang dami ng mga taong naglaho o ang mga tinawag na “desaparecido” na ‘di matagpuan hanggang sa kasalukuyan. Walang palatandaan na pagkawala ngunit hindi na nakabalik sa mga pamilyang kinamatayan ang paghihintay sa kapatid / kamag-anak na nawala na parang bula. Ang masakit sa panaginip ang komunikasyon, nagpapakita o nagpaparamdam dahil ‘di kaya ng katawan na makauwi sa lalim ng pinaghukayang taguan. Sa paglisan sa mundong ibabaw, walang makapagsabi sa kung saan matatagpuan dahil ang mga kumilos sa hiwagang naganap ay tapat sa lideratong mapag-alaga sa mga kalokohan.

Mabalasik ang liderato ng kapangalan ng kasalukuyang lider ngunit may angking talino na taliwas sa berdugong pinalitan ng anak nito. Masasabing magkahalintulad ang gawa ng dalawang lider ngunit ang una’y may kinalaman sa politika habang ang pangalawa’y sa negosyo. Negosyong tinawag na programa ng pamahalaan laban sa gumagamit ng bawal na gamot na salot kuno sa lipunan. At ng lumao’y nabatid na kasama ng singkit sa negosyong bawal na gamot. At ng minsang nasabat ang kargamento sa labas ng Aduana, nabatid na palusot ng sariling grupo na ‘di naitimbre sa mga opisyal ng bangit na ahensya. Sa pagkakasabat sa kargamento na nakalabas sa Aduana ang walang malay na bodegero ang sumalo sa sala ng among mapagbalatkayo.

Sa pagsalo, hayun nahatulan ng habang buhay na pagkakulong ang walang malay na obrero sa salang ‘di batid sa laman ng pinaglagakan ng droga. Subalit naroon ang pasalamat dahil kahit paano’y humihinga ‘di tulad ng maraming katawan na pinahandusay sa kakalsadahan ng dahil sa laban sa bawal na gamot.



Nakakahindik ang mga pangyayari higit buhay ang kabayaran sa programang pagpapalakas sa paghawak ng kapangyarihan sa pamahalaan. Gamit ang aparato ng pamahalaan, isinantabi ang karapatang pantao ng mga biktima sa ngalan ng programa sa paglilinis kuno ng lipunan. O’ paglilinis sa mga katunggali sa politika’t negosyo na sagka sa pangmatagalang pag-upo. Sa totoo lang, walang ‘di gagawin ng mapanatili ang sarili sa pwestong tangan na balon ng kayamanan. Ang pananatili sa pwestong tangan ang layong pansarili’t pampamilya na sinubukan ngunit ‘di makamtan. Sa pagsisikap na pagandahin ang serbisyong bayan, tila nasisiyahan at nakakalimot sa limitasyon na nagbibigay daan sa pagmamalabis sa kaban at taong bayan. Tanong, bakit ang magandang programa ng pamahalaa’’y karaniwang may bahid ng dugo sa pagpapatupad. O’ sadyang kalakip ito upang mapasunod ang Pinoy na laging pakabila at lihis ang kaisipan. O’ sadyang ginagawa ang pagdidilig ng dugo ng walang maraming balakid sa pagpapatupad ng programang ibig.

Sa pagpapatupad ng programa sa pamahalaan, maging ang kabiyak ng mga pangulo’y tunay na sumasawsaw at nagpapatupad ng sariling programa o proyekto. Maraming alipores ng unang ginang ang umuupa’t na magkaroon ng sariling programa at magkaroon ng sariling kaperahan. Sa pag-ayon sa mga sulsol, iisa ang layon ang tumatak sa isip ng Pinoy ang angking kagalingan. Sa pagtatak sa isip ng tao ang mahusay na asawa ng lider, ‘di malayong himukin na gumanap ng opisyal na gawain sa pamahalaan ang unang ginang, galawang Imeldific. At sa husay na pagganap, kasunod ang sulsol ng mga sipsip na pamunuan ang bansa at maging alternatibo sa paglisan ng pangulo. Sa kabilang banda, sa paglalahad ng programang ibig, muling papasanin ni Mang Juan ang gastos gamit ang perang bayan. Na sa totoo lang, isang uri ng panlililo sa manghahalal.



Sa totoo lang, hindi bago ang galawang bangit sa itaas, silip sa kilos ng pinalitang pamahalaan ni Boy Pektus dahil ibig ng dating lider na ang anak ang pumalit sa pwestong tangan. At laking pasalamat nagbigay daan ang anak ni Totoy Osla sa kasalukuyang lider na nabatobalani’t humanga sa walang kagalingan lider na dahilan ng tampuhan ng mag-ama. At siyempre, huwag kalimutan ang ina ni Boy Pektus na ibig makamit ang silyang inuupuan ng asawa sa kanilang kapanahunan. Sa totoo pa rin, maraming proyekto ang inilunsad at ipinatupad na nagpatatak sa ngalan ng angkan. Subalit sa dami ng proyekto, higit na tumatak ang dami ng sapatos na pagmamay-ari na naitala sa kasaysayan.

Sa takbo ng panahon, ‘di lingid kay Galema ang estilong bangit at ‘di malayong sumunod sa yapak ng biyenan na magpakilala sa mundo. Sa pagsasaliksik, namataan na ibig ng asawa ni Boy Pektus na ipakilala ang bansa bilang lugar na kikilalanin sa mundo bilang sentro ng mga Exhibit. Ibig ni Galema na bumuo ng isang lugar sa bansa na tatawaging Philippine International Exhibition Center na malapit sa PICC. Sa pagtatayo ng ibig na PIEC, layon nitong makakurot ng kaunting kita na ‘di baba sa $562M mula sa mga negosyante. Maliit ang nasabing kita kumpara sa kasalukuyang tinatamasa ng Singapore na umaabot sa $4B. Ang masakit sa layong ito, ang halaga ng pagtatayo ng nasabing sentro’y nagkakahalaga ng P18B na pupuhunanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagpauna na ng P50B sa Maharlika Investment Corp. Walang bago sa galawang ito, na ‘di naawa kay Mang Juan na papasan ng mga gastusin sa pagpapakilala.



Sa programang ibig, hindi nagkakalayo sa kilos ang magbiyenan na magpasasa sa dugo’t pawis ng Pinoy na sa harap at likod ng paghihirap. Walang puwang sa puso na paluwagin ang damang kahirapan ng Pinoy na maraming panahon na ‘di makatikim ng ginhawa sa buhay. Labis ang tustusin sa pagpapakilala’y na muling pasanin ni Mang Juan. Ang masakit ‘di mag-isip ng programang mag-aangat sa kabuhayan ng mamayanan. Walang tuon na magpapaalwan sa buhay ni Mang Juan at puro pansariling kapakanan ang una. Sadyang ‘di mapalad ang Pinoy sa uri ng lideratong nailuluklok sa kapangyarihan sa kawalan ng kamulatan. At muling mapapansin ang galawang Imeldific na pagpapasasa sa kabang bayan para sa sariling kapakanan. Ang masakit, huli ang kagalingan ng Pinoy sa layon dahil ang mapanatili ang sarili o ang angkan ang rurok ng pagnanasa. Magnipiko ang kilos na ibig ni Galema ngunit bagay ang Imeldific sa laki ng tustusin. Tunay na kung sino ang nasa pwesto, ang gumawa paraan upang mapanatili ang sarili ang una at ‘di si Mang Juan na tagapasan ng bayarin, ito ang galawang Imeldific.

Maraming Salamat po!!!