Advertisers

Advertisers

REGULASYON SA E-BIKES ETAL

0 44

Advertisers

BAWAL na ang e-bikes etal sa mga tinatawag na National Roads sa Kamaynilaan batay sa pinakahuling polisiya na binalangkas ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Isa-isahin natin! Una, bukod sa pinagbawalan na ang mga ito ng MMDA ay kailangan nang kumuha ng lisensiya sa pagmamaneho ang mga gagamit o magmamaneho ng e-bikes etal.

Huling balita ko sa mga kukuha ng mga bagong lisensiya ay aabot sa halos P10,000 ang gastos dahil pinauso ng gagong nagpauso nito na kailangan dumaan muna lahat sa mga ‘Accredited Driving Schools’. Tiba-tiba ang mga lintek!



Tuloy pa ba ang ganitong sistema sa pagkuha ng bagong lisensya? Kung ganoon ay tiyak na maraming pobreng may-ari ng e-bikes etal ang hindi makakukuha ng lisensya dahil sa sobrang taas ng gastos.

Inabuso na kasi ng e-bikes etal kaya nagalit na marahil si MMDA kaya magmumulta ng P2,500 ang lalabag habang ikukulong naman ang e-bikes etal sa Impounding Area kapag walang lisensiya ang mahuhuling drayber nito.



Ikalawa, kailangan nang irehistro sa Land Transportation Office (LTO) ang mga e-bikes etal tskt sskkt pero hanggang ngayon ay problema pa rin ng LTO ang rehistro at plaka ng mga ordinaryong motorsiklo na sangkaterba na rin ang bilang sa kalsada.

Maging ang uri ng rehistro at plaka na ibibigay para sa mga ‘electric vehicles’ ay problema pa rin ng LTO tapos ngayon ay daragdag pa ang e-bikes etal. Kapag ganito ay tiyak tiba-tiba ang Impounding Area ni MMDA.



Ikatlo, MMDA lang ba ang dapat magpalabas ng ganitong regulasyon? Samantalang sa buong bansa ang e-bikes etal na bumabaybay maging sa ‘Provincial Highways’. Madalas pa ay menor de edad ang nagmamaneho!

Ikaapat, paano naman ang mga bisekleta na de padyak? Mga bawal sa e-bikes etal habang ang mga de padyak ay mayroon pang ‘bicycle lane’. Wala rin lisensiya at rehistro ang mga ito pero sila puwede, si e-bikes etal ay bawal.

Marami rin bawal sa mga tricycle habang puwede ang tinatawag na mga ‘single motorcycle’ na mayroon pang ‘motorcycle lane’. Ano ba ang mas ligtas at matatag sa kalsada, tatlong gulong o dalawang gulong?

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com