Advertisers
Kulong ang dalawang drug suspects nang makuhanan ng halos P200,000 halaga ng droga nang matimbog sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang mga naaresto na sina alyas Nelson, 54, ng Coloong 2; at alyas Peter, 34, Technical Crew at residente ng Fellow 1 Subd., Rincon.
Sa report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang buy bust operation laban kay ‘Nelson’ nang makatanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta nito ng iligal na droga.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 27 grams ng shabu na may standard drug price value na P183,600.00, buy bust money, P150 recovered money, dalawang cellphone at isang motorsiklo.
Kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 26 under Article 2 of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa laban sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office.(Beth Samson)