Advertisers

Advertisers

Cebuana Lhuillier na-scam ng Nigerian

0 8

Advertisers

ARESTADO ang isang babaeng Nigerian national nang mabuking ang pamemeke nito ng mga identification card at dokumento dahilan upang matangayan ng daan libong halaga ang isang kilalang pawnshop sa Quezon City, Linggo ng hapon.

Kinilala ang dinakip na si Angel Chioma Okonkwo, 23 anyos, Nigerian at pansamantalang nakatira sa Guadanoville Subdivision, Barangay 183, Caloocan City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 11:43 ng umaga (March 3) nang muling isagawa ng suspek ang kanyang modus sa Cebuana Lhuillier sa Robinsons Novaliches Mall, Brgy. Pasong Putik Proper, Novaliches.

Sa imbestigasyon ni PSSg George Caculba, buwan ng Pebrero, gumamit si Okonkwo ng ilang identification card tulad ng Republic of Ghana passport na may mga pangalang Ericka Mae Reyes at Dani Narcisa Reyes at nakatanggap ito ng money remittance mula sa ibang bansa na may kabuuang halaga P202,000 sa iba’t ibang sangay ng Cebuana Lhuillier sa lungsod.

Nadiskubre lamang ng pamunuan ng pawnshop ang iligal na gawain ng Nigerian nang muling makipag-transaksiyon sa kanila nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay Marilyn Valencia, area head ng Cebuana Lhuillier, muling ginamit ni Okonkwo ang pasaporte ng Republika ng Somali sa ilalim ng pangalang Dani Narcisa Hall at nakipagtransaksyon sa kanilang branch head na si Ma. Louselle S. Barredo, at nakakuha ito ng P110,430 money remittance mula sa USA.

Agad na nakipag-ugnayan ang pamunuan ng Lhuillier sa QCPD, na humantong sa pagkakadakip nito.

Nabawi mula sa Nigerian ang P110,430 cash; Somali Republic passport at remittance receipt.