Advertisers

Advertisers

Kaya ‘di pa raw nabuntis ni Zanjoe Ria may PCOS kaya hirap mabuntis

0 12

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SO, walang katotohanan ang mga naglalabasang balita na buntis ngayon si Ria Atayde kaya magpapakasal na sila ni Zanjoe  Marudo.

Mismong ang nakababatang kapatid na ni Ria na si Gela Atayde ang nagsabing hindi buntis ang kanyang ate tulad ng mga naglalabasang chika sa social media.



Ayon kay Gela, fake news ang balitang nabuntis na ni Zanjoe Marudo ang kanyang fiancée at magkakaroon na sila ng baby.

Sey pa ng young actress-dancer, na-diagnose ng Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) si Ria kaya mahihirapan daw itong mabuntis agad.



Pero nabanggit din ng anak ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez na may plano rin naman talaga sina Ria at Zanjoe na bumuo ng sariling pamilya, lalo pa’t nasa edad na rin ang dalaga para magkaroon ng anak.

“For me I can’t say much yet. For now, no. They’re trying that’s for sure. My sister has PCOS and it would be a miracle if she has a child.



“Well, at least my parents also are supportive for that my sister nga kasi is at the age, turning 32 this year medyo kailangan na din,” pahayag ni Gela sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.

Ayon pa kay Gela, kasundo rin niya si Zanjoe at botong-boto naman siya sa aktor para kay Ria. Aniya, naiyak pa nga siya nang mag-propose ang aktor sa kanyang nakatatandang kapatid.

***

IKINAGULAT ni Coun. Alfred Vargas ang malungkot na balita tungkol sa pagkamatay ng beterana at award-winning actress na si Jaclyn Jose noong Linggo, March 3, na natagpuang walang buhay sa kanyang tahanan sa Quezon City.

Nakatrabaho ni Coun. Alfred si Jaclyn sa Pieta na pinagbibidahan ni Nora Aunor kaya personal niyang nasaksihan at naranasan ang husay sa pag-arte ng aktres at ang pagiging professional nito.

Isang karangalan para kay Alfred na makatrabaho ang aktres na kanyang hinahangaan at iginagalang.

Ikinabigla rin ni Phillip Salvador ang pagpanaw ni Jaclyn na nakasama niya sa pelikulang Gabi Na Kumander noong 1986.

Kinikilala ni Phillip ang galing ni Jaclyn sa pag-arte na naging paboritong aktres din ng kanyang mentor at discoverer, ang National Artist na si Lino Brocka.

Si Brocka ang direktor ni Jaclyn sa White Slavery, ang pelikulang nagbigay sa kanya ng unang nominasyon sa pag-arte noong 1985 mula sa isang award-giving body.

Samantala, pinuna ng actress-director at bilas ni Jacklyn na si Gina Alajar ang mga taong inunahan pa ang pamilya ng namayapang aktres na magbalita tungkol sa kanyang pagpanaw.

Marami ang nagkagusto at pumuri sa Facebook post ni Gina noong Sabado ng gabi, Marso 3, ang araw na sumakabilang-buhay ang mommy ni Andi Eigenmann.

“Eto na naman tayo eh… laging gusto makauna sa scoop… tumahimik muna kayo!!!” pagsaway ni Gina sa mga taong walang respeto sa kapwa, partikular sa mga naulila ni Jaclyn.