Advertisers

Advertisers

Kelot huli sa baril at bala sa Caloocan

0 9

Advertisers

Matagumpay ang isinagawa ang implementasyon ng Search Warrant # 340 sa isang suspek sa Caloocan sa paglabag sa Section 28 of R.A. 10591(Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act).

Kinilala ni Caloocan Chief of Police PCol. Ruben Lacuesta ang naaresto na si alias ” Dodong”, 37, ng #48 Mabolo St. East Libis Baesa, Barangay 160, Caloocan City.

Sa ulat kay Col. Lacuesta, 5:00 ng hapon noong March 5, 2024 ng isilbi ang search warrant kay alias “Dodong” sa #48 Mabolo St, East Libis Baesa, Barangay 160, Caloocan City na mismong bahay nito.



Isinilbi ang search warrant #340 ng mga tauhan ng Sta Quiteria Police Sub Station (SS6) na inisyu ni Hon. Raymundo G Vallega, Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 130, Caloocan City noong March 4, 2024 na nagresulta sa pagkaaresto nito ng pulisya gamit ang body worn camera.

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber 38 revolver na may dalawang pirasong caliber 38 live ammunitions.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">