Advertisers
Ang akala natin lahat ay ipinatupad ang no take policy na ibinaba ni PNP chief Acorda, dahil na rin sa naging reklamo ng mga iligalista ng mga peryahang may sugal sa taas ng goodwill na umabot pa nga sa Senado?
Ano itong Ibinulong sa atin ng ating avid readers jan sa region 1 na, largado pa din ang mga pergalan sa probinsya ng LaUnion, Pangasinan, pati ng Ilocos Norte at Sur.
Ayon pa sa ating mapagkakatiwalaang source tila, mas nagdoble pa ang dami ng bilang ng mga pergalan sa rehiyon kapalit ng na doble din umano na goodwill at weekly payola, tila mas lalo daw nahirapan ang ilang peryante matapos humarap sa Senado ang grupo ng peryante, dahil mas nilakihan ang kanilang timbre.
Ganun po? Totoo po ba ito Gen. Evangelista, SIR!?
Kung sabagay galing na din sa mismong bibig ng dating PNP chief at ngayon Sen. Bato Dela Rosa na “KAYO ANG HARI, KAYO ANG MASUSUNOD”.hehehehe!
Dalawa nga naman ang ibig sabihin, pwedeng kayo ang hari hulihin ninyo ang lahat ng iligal na sugal o kayo ang hari taasan ninyo ang lagayan sa sugal? Hahahahaha!
Which is which mga sir!?
Kayo na ang humusga mga dear readers, bakit nga ba dadaing ang ilang pergalan na dinoble ang kanilang weekly payola at goodwill kung wala naman nangongolekta?
Ang ibig lang naman natin sabihin ay walang baho ang hindi mangangamoy, walang usok kung walang apoy!
Mas napasama pa ata ang lapit ng mga iligalista sa region 1 sa Senado, hindi na nakatulong lalo pang naperwisyo, ganun ba ang ibig sabihin ng mga peryanteng may ilegal na sugal?
Halimbawa na lang natin ang naglipang sugalan sa probinsya ng PANGASINAN, sa Urdaneta, Calasiao, Laoac, Mapandan, Mangaldan, Binmaley, San Carlos, Manaoag at halos lahat ng bayan at siyudad ng Pangasinan.
Ganun din sa probinsya ng LA UNION, sa San Fernando, Agoo, Bauang, San Juan, Rosario, Aringay, at halos lahat ng bayan din sa La Union.
Kung pakikinggan lamang ang salita ni Sen Raffy Tulfo na dapat alisin at paghuhulihin ang mga ilegal na sugal para walang nanghihingi ng Goodwill at weekly payola
Sa madaling salita kung walang ilegal na sugal, walang lagayan na magaganap!
May kasunod….
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com