Advertisers

Advertisers

Paglulunsad ng Barangay Tourism Officers Orientation-Seminar, pinangunahan ni Mayor Honey

0 16

Advertisers

MAHALAGA ang barangay sa pagtataguyod ng turismo sa lungsod ng Maynila. Ito ang binigyang diin ni Mayor Honey Lacuna.

Kasama sina Vice Mayor Yul Servo at Liga ng Barangay President and Councilor Lei Lacuna, pinangunahan ng alkalde ang paglulunsad ng Barangay Tourism Officers Orientation-Seminar sa San Andres Sports Complex.

Sa temang “?Turismo at Barangayan Tungo sa Maringal na Maynila,” ang nasabing paglulunsad ay dinaluhan din ng iba pang local and national government officials, partikular yaong mga natokahan na mamuno sa Barangay Tourism Committee.



Ayon sa alkalde, ang orientation ay offshoot ng ordinance na nagbibigay mandato sa lahat ng barangay sa lungsod na lumikha ng kanilang sariling barangay tourism committees na iniakda ni Councilor Lacuna at pinasa ng Manila City Council sa ilalim ni Presiding Officer Servo.

Dahil sa ang layunin ng ordinansa ay himukin ang turista at mamumuhunan na dayuhin ang Maynila, agad na nilagdaan ni Mayor Honey ang nasabing hakbang upang maging batas.



Dahil sa mahalaga ang turismo sa ekonomiya, sinabi ni Mayor Honey na ang local government ay sasabak sa lahat ng posibleng proyekto upang itampok ang lahat ng maiaalok ng lungsod sa lahat ng uri ng atraksyon habang pinapanatili ang matandang tradisyon, kasaysayan, kultural at sining.

Nanawagan ang alkalde sa lahat ng barangay leaders na gamitin ang opurtunidad na lumikha ng kamalayan sa mga Manileño at upang malaman nila ang kasaysayan ng lungsod kung saan sila nakatira.



“Malaki ang paniniwala ko sa magiging tulong ng barangay sa pagsulong ng ating industriya ng turismo. Mas kabisado ninyo ang inyong komunidad. Higit ang inyong kaalaman sa mga kayamanang sining at makulay na kasaysayan ng inyong mga barangay. Batid ninyo ang talento ng inyong mga nasasakupan. Sa inyong palagiang pakikisalamuha sa inyong mga kabrangay, marami kayong matutuklasan na may potensyal sa pagpapa-unlad at pagpapasigla ng turismo sa inyong mga lugar,” pahayag ng alkalde.

Nabatid pa sa lady mayor, na binigyang kapangyarihan ng ordinansa ang mga barangay na gamitin ang kakaibang katangian ng kanilang nasasakupan lugar sa kanilang bentahe at gayundin ang lungsod.

“Ang isang simpleng karinderya na pinupuntahan ng mga tao, mga lumang bahay na taglay pa din ang kanyang kagandahan, mga ritwal o tradisyon na sa inyo lamang barangay ginagawa, anomang bagay, lugar, tao, pagdiriwang, ang lahat ng ito ay posibleng maging destinasyon ng mga turistang lokal man o dayuhan,” paliwanag nito.

“Sa mga lugar na nasasakupan ng inyong mga barangay na dati nang dinarayo, magiging bahagi na rin kayo ng pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan niyon upang siguraduhin na ito ay mapapakinabangan din ng mga darating pang mga henerasyon,” dagdag pa ng alkalde.

Tiniyak ni Mayor Honey na ang city govenment, sa pamamagitan ng Department of Tourism, Culture and the Arts -Manila or DTCAM sa ilalim ni Charlie Dungo, ay gagabay sa mga barangay authorities na maging isang efficient barangay tourism officers.

Ito, ayon sa alkalde ang simula ng mas malalim na samahan sa pagitan ng city government at barangay para sa iisang layunin na gawing top tourist destination ang Maynila sa bansa, dahil kapag ang lahat ay sama-samang nagtrabaho, walang impossible. (ANDI GARCIA)