Advertisers

Advertisers

Wasak ang ‘script’ nina Defensor at Marcoleta kay Cong. Alvarez

0 6

Advertisers

NATULALA at hindi na nakapagsalita pa sina “Senate President” Alan Peter Cayetano at Senate Blue Ribbon sub-committe chairman Rodante Marcoleta nang sumulpot sa kanilang pagdinig sa flood control scandal si Palawan 2nd District Congressman Jose Alvarez para komprontahin ang 18 “ex-Marines” na nagdeliber kuno sa kanya ng ilang maletang kuwarta mula sa “kickback” ni ex-Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co sa flood control projects.

Malas lang na hindi na inabutan ni Alvarez ang mga dating sundalo, nakaalis na raw. Gusto n’ya raw kasi itanong sa mga ito kung nag-deliver ba talaga ng pera ang mga ito at kung kanino ibinigay. Kasi hinahanap daw ng misis niya kung nasaan na ang male-maletang perang iyon. Hehehe…

Sa kanyang pagtatanong kina Cayetano at Marcoleta, sinabi ni Alvarez: “Bakit naman ako padadalhan ng pera ni Zaldy Co eh wala kaming naging transaksyon. Wala utang si Zaldy sa akin, at wala rin akong utang sa kanya. Kaya bakit naman niya ako bibigyan ng male-maletang pera?” Oo nga!

Sabi pa ni Alvarez, sa pagkaalala niya, kaya nabanggit ang pangalan niya sa iskandalo ay nang tanggihan niyang pirmahan ang pina-eendorso ni Mike Defensor na impeachment laban kay Pangulo Bongbong Marcos, Jr.

Binasa pa ni Alvarez sa kanyang celfone ang message sa kanya ng isang “Margaret” na nagpakilalang staff ni Defensor.

May mali lang dito si Alvarez eh. Dapat tinawagan at tinanong niya ang Margaret kung tao talaga ito ni Defensor. Kasi siguradong i-deny ito ng tusong Defensor kapag tinanong siya ngayon.

Pero natulala sina Cayetano at Marcoleta sa mga sinabi ni Alvarez, at sinabing “session adjourned” sabay tayo at lumayas. Naabo kasi ang kanilang script. Hehehe…

Ang ginawa ni Alvarez ay ito rin dapat ang gawin ng mga personalidad na binanggit ng 18 ex-Marines kuno na dinalhan ng male-maletang pera. Pero last session na yata yun ng tropa ni Cayetano, dahil ang kinikilala ngayon ng Palasyo na bagong Senate President ay si Senador Win Gachalian na inihalal ng bagong majority last week.

At ang malaking problema ngayon ng 18 ex-Marines ay ang pangpiyansa sa mga isinampang kaso ng mga taong dinalhan kuno nila ng male-maletang kickback money. Siguradong maglalahong parang bula ang mga ito tulad ni ex-Marine Orly Gutesa.

Oo nga pala, naglabas ng statement ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na ‘wag nang tawaging ex-Marines ang 18 walong dating sundalo. Dahil hindi naman sila lahat ay naging Marines. Ang iba daw ay Army at ang iba ay sibilyan lang. Mga na-discharge daw sa serbisyo ang mga ito, mga dishonorable. Nakakasira raw sa iginagalang na pangalan ng marines ang pagbanggit sa labing walong maleta boys.

Tama! “Maleta boys” ang angkop itawag sa 18 “delivery men” ni Defensor.

Again, saludo ako sa ginawa ni Cong. Jose Alvarez.

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Alvarez, dati siyang pangulo ng PDP Laban, ang partido ni ex-Pres. Rody Duterte. Kaya ‘di siya kalaban ng mga Dutere. At ubod ng yaman ang taong ito. Hindi n’ya kailangan maging korap!