Advertisers
TANDISANG inamin ni Sen. Robin Padilla na isa siyang komunista habang nasa Impeachment Court sa kaso ni VP Sara Duterte kamakailan. Nangangahulugan na bukod sa ex-convict ay may komunista pa pala sa Senado?
Si Padilla ay nabigyan ng absolute pardon noong 2016 sa panahon ni Pangulong Digong Duterte, na nagbigay ng pagkakataon upang makaboto, kumandidato at maihalal ng mga botanteng Pilipino.

Ang “utang na loob” kay Pangulong Digong ang nakikitang dahilan kaya’t “die hard” na loyalista o Duterte Die Hard Supporter (DDS) ang tinaguriang “bad boy” ng pelikula sa bansa.
Marahil kahit ano ay gagawin niya, tumalon man mula sa lumilipad na eroplano at malawak na Pacific Ocean at Atlantic Ocean, at susundin ng matalinong senador kung ipag-uutos ito ng kanyang itinuturing na Panginoong Digong?
Sa panahong nahatulan ng korte sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition noong 1995 hanggang sa mabigyan ito ng absolute pardon ni ex-Pres. Duterte na nag-aalis dito sa tanikala ng pagiging isang kriminal noong 2016, ay isa palang komunista.
Isang Army reservist si Padilla na may ranggong Lieutenant Colonel ng Philippine Army (PA). Bilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay kailangan patunayan nito ang kanyang katapatan sa bandila ng bansa.
Malaking tanong ngayon ang kredibilidad ni Padilla bilang military official at senador na nagsabing isa pala itong komunista.
Kailangang kumilos ang bagong AFP Chief of Staff Gen. Antonio Nafarette sa isyu hinggil sa pagiging komunista ni Sen. Padilla. Malaking kahihiyan sa AFP at banta sa seguridad ng bansa ang pagkakaroon ng miyembro o opisyal ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Kung kaanib ng CPP-NPA si Padilla ay lalong panganib ito sa seguridad ng Pilipinas lalo pa’t itinuturing ng Estados Unidos at ng iba pang mga bansa sa daigdig na teroristang grupo ang CPP-NPA.
STF-SOU, PAMATO SA NAKAW NINA ALYAS JAYSON AT ALYAS SGT BUNNY!
DAYUHAN si alyas Jayson sa bayan ni Alitagtag Mayor Jo-Ann Ponggos, ngunit nakapagtatakang di magiba ng Alitagtag Police sa ilalim ni Maj. John Van Herson Luspo ang nababakurang kuta ng paihi/buriki na naipatayo ng naturang estranghero sa Brgy. Muzon di kalayuan sa munisipyo at police headquarter.
Si alyas Jayson ay taga San Pablo City ngunit nagyayabang na may malalim na koneksyon sa tanggapan ni Alitagtag Mayor Jo-Ann Ponggos at sa kapulisan ng Alitagtag.
Nasa highway ng Brgy. Muzon na may tinatayang 100 metro lamang ang distansya sa SeaOil Gasoline Station ang imbakan ng mga ninakaw na krudo, gasolina at iba pang petroleum product nina alyas Jayson, ngunit nakapagdududang dedma lang ito kina Mayor Ponggos at Maj. Luspo?
Ang isa pang kuta nito na nasa Brgy. Dominador East, Alitagtag ay na-raid ng mga operatiba ni Batangas PNP Acting Provincial Director Col. Oliver Ebora noong July 20, 2026, ngunit kataka-takang hindi naman ginalaw ang kuta ng nasabing ilegalista sa Brgy. Muzon.
Si alyas Sgt. Bunny na kilala ding alyas Sgt Mercado ay isang nasibak na pulis, ngunit sa impluwensya ng kanyang among tomboy na Chinese military spy ay “nakakapag-pasingaw” ng LPG product at nagpapaihi (pilferage) ng produktong petrolyo sa malawak na sugar cane plantation kahilera ng Alfamart Coliat sa bayan ni Ibaan Mayor Jane Casas.
Ipinagyayabang nina alyas Jayson at alyas Sgt. Bunny aka Sgt. Mercado na hawak sila ng STF-SOU, Camp Crame at ng isang “Carlo” na sugo ng tanggapan ni Batangas Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Officer Lt Col. Bryan Dexter Andulan? May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144