Advertisers

Advertisers

Driver naidlip: Binatilyo natuhog ng bakal nang mabangga trak

0 50

Advertisers

Natuhog sa bakal ang isang binatilyo nang mabangga ng pickup truck sa Zone 1, Upper Bantiles, Barangay Budo, Cagayan de Oro noong Sabado ng hapon.

Sa ulat, bigla na lang umanong nakarinig ng kalabog ang mga tao sa lugar nang mabangga ang isang binatilyo. Nahulog ang biktima sa gilid ng kalsada kung saan nakatambak ang mga bakal mula sa construction site.

Nagtamo ang biktima ng 3 tusok sa katawan na may sukat ang mga kabilya na 12mm ang diameter, habang mabilis naman nirespondehan ng mga tauhan ng BFP-10, USAR-CdeO at Emergency Medical Technicians o’ EMTs.



Ayon sa ulat, nakaidlip umano ang driver ng pickup truck. Nailigtas naman ng mga rescuer ang biktima at dinala sa ospital.

Inoperahan ang biktima at tinanggal ang kabilya sa katawan na ngayon nasa Northern Mindanao Medical Center.



Dinala sa presinto ang driver ng truck pero nakalaya din nang makipag-usap sa pamilya ng biktima.
Posible pa rin naman itong maharap sa kasong ng Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries kung magbabago ang desisyon ng pamilya ng biktima.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">