Advertisers

Advertisers

KAMAY NA BAKAL SA MGA TAMPALASAN NG INANG KALIKASAN

0 2,689

Advertisers

KITANG-KITA naman ang paglabag (violation) ng may-ari ng Captain’s Peak Garden Resort sa Sagbayan, Chocolate HIlls, Bohol.

Ancestral land daw at private land ‘yung pinagtayuan ng lapastangang resort na ito sa ating protective land — ayon sa Republic Act. No. 7586, ito ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992.

Itong Cocolate Hills ay protected area — ibig sabihin, protektado ng gobyerno, mula sa kapitan ng barangay, mayor, governor, at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).



Sabi sa Section 2 – Declaration of Policy. –” xxx importance of protecting and maintaining the natural biological and physical diversities of the environment notably on areas with biologically unique features to sustain human life and development, as well as plant and animal life.”

Sabi pa: “It is hereby declared the policy of the State to secure for the Filipino people of present and future generations the perpetual existence of all native plants and animals through the establishment of a comprehensive system of integrated protected areas within the classification of national park as provided for in the Constitution.”



Ayon sa NIPAS, ang Chocolate Hills ay bahagi ng “protected areas” at isa sa ating national heritage at ang may pangunahing mandato na ipatupad ang pangangalaga sa mga pambansang pamana sa atin ay ang DENR.

Ayon sa NIPAS, bawal sa protected areas at sa national heritage tulad ng Chocolate Hills ay –” Hunting, destroying, disturbing, or mere possession of any plants or animals or products derived therefrom without a permit from the Management Board;



Dumping of any waste products detriment to the protected area, or to the plants and animals or inhabitants therein;”

Mutilating, defacing or destroying objects of natural beauty, or objects of interest to cultural communities (of scenic value);”

Damaging and leaving roads and trails in a damaged condition;

Squatting, mineral locating, or otherwise occupying any land;

Constructing or maintaining any kind of structure, fence or enclosures, conducting any business enterprise without a permit;

At maraming-marami pang pagfbabawal!

Penalties: Multa na di hihigit sa P500K; kulong na mula isang (1) taon hanggang anim (6) na taon at iba pang parusa, ayon sa korte at iba pang batas na nilabag kaugnay ng pagkasira ng protective areas.

Bukod pa ang ibang penalties na nais na ipataw ng DENR.
***
Eto na, … magpapa-imbestiga na naman sa House at sa Senate para busisiin ang mga “guilty” sa paglapastangan sa likas-yaman at kagandahan ng Chocolate Hills na inirekomenda ng UNESCO na ideklarang World Heritage Site at isa sa 8 Wonders of the World.

Sa pagkasira ng Chocolate Hills, maisisigaw ba Dept. of Tourism Sec. Cristina Garcia-Frasco na “Love the Philippines” e isa siya sa “negligent” at kungdi pa nag-viral ang Captain’s Peak Garden, wala siyang kamalay-malay na winasak na ang isa sa tourism destination ng ating bansa.

Lalo na si DENR Toni Yulo-Lozaga, kitang-kita na natutulog siya sa pansitan, kasi, panay ang travel abroad, na gastos e pera natin.

Bakit kailangan pang mag-imbestiga ang mga honorables ng Kongreso, e kitang-kita naman ang violations, hayaan na ang DENR, DOT, Ombudsman o ang DOJ ang magsampa ng kaso.

Ang ebidensiya ng paglabag ay nanduroon na, ang gagawin lang, ilapat ang bagsik ng batas!

Mag-aaksaya lang tayo ng pera sa hearing — na gagastusan na naman ng milyon-milyong piso at kapalit ay makukubrang alawanses ng mga lawmakers natin sa hearing, bukod ang free publicity ng investigation in aid of election.

Magseryoso na tayo, mga bossing, Sir, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.!

Parusahan ang dapat parusahan, magsampol na at ipakita ang matigas na liderato.

Mga ebidensiya: Olympic sized swimming pool, mga cottages at mala-mansion na gusali — at hindi ito madali na isa o dalawang taon lamang na ginawa!

Walang nakapansin na Kapitan ng Barangay, Mayor, Local Tourism Officer, Local at Regional DENR Officer sa ginawang pagsira, pagbubungkal para maitayo ang Captain’s Peak, at walang nakita si Governor at mga Congressman ng Bohol?

Sabi ng isang congressman, hayaan na lamang daw ang Captain’s Peak, kasi nandoon na raw, at sabi naman ng isang lokal na opisyal, kuhanin ng gobyerno ang Resort at pagmultahin ang may-ari, ikulong at ang mga lokal na opisyal na nabulag sa kung ano’ng dahilan at hindi napansin ang pagbubungkal ng lugar — lahat sila ay i-suspinde, kasuhan at kung mapatunayang guilty, alisin sa puwesto, at i-ban sa gobyerno nang habambuhay.

Gusto ng kapitbahay ko: obligahin ang violators at may-ari ng Captain’s Peak na ibalik sa dati ang sinira nilang lugar sa Chocolate Hills, at gawing tagapala, tagatambak at trabahador ang mga lokal na opisyal upang maibalik sa dating ganda ang winasak na protective areas sa Bohol.

Kamay na bakal po, Mr. President Marcos ang ibigwas mo po sa kanilang mga tampalasan sa kalikasan.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa bampurisima@yahoo.com.