Advertisers
Hindi kaila sa atin na dapat maayos at maasahan ang serbisyo ng kuryente bago umunlad ang isang lugar.., gayunman, sa kasamaang palad ay tila marami sa bayan natin ang may masama at bulok na serbisyo.
Tulad na lamang sa mga taga-subaybay natin sa BATANGAS lalo na sa NASUGBU ay puro REKLAMO ang natatangap ng ARYA sa SERBISYO nitong BATELEC na tinawag na nga ni KA RENE STA. CRUZ, batikang komentarista sa radyo at isa ring BATANGENYO na BATELINTEK dahil nga sa bulok na serbis nito.
Ang MERALCO ang siyang MAJOR DISTRIBUTOR ng kuryente rito sa METRO MANILA, at nagse-serbisyo sa mga CRITICAL ECONOMIC AREAS pati na ang mga karatig-probinsya kagaya ng CAVITE, RIZAL, BULACAN at ilang bahagi ng QUEZON at PAMPANGA.
Kasama rin sa sineserbisyuhan ng MERALCO ang ilang bahagi ng BATANGAS, kagaya ng BATANGAS CITY, SAN PASCUAL at SANTO TOMAS.
Ang ibang bahagi ng BATANGAS ay sineserbisyuhan naman ng mga PROBLEMATIC ELECTRIC COOPERATIVES na BATELEC I at BATELEC II.
HUMILING na ang bayan ng NASUGBU na pasukin na ng MERALCO ang kanilang lugar dahil sa palpak at masamang serbisyo ng kuryente, madalas na brownouts, at mataas na singil.
Ang ekonomiya ng isang lugar ay apektado kapag hindi maayos ang serbisyo ng kuryente dahil walang magtitiyaga na negosyante. Walang mamumuhunan na negosyante kapag palpak ang serbisyo ng kuryente.., kaya lilipat ng ibang lugar ang mga yun.
Sa katunayan, nag-isyu na ang SANGGUNIANG BAYAN ng NASUGBU ng Resolution No. 368 na sumusuporta sa pag-takeover ng serbisyo ng kuryente mula sa BATELEC I.
Mayroon na ring PETISYON ang 22,695 na NASUGBU RESIDENTS para ilipat ang serbisyo sa MERALCO.
Bukod sa NASUGBU, itinutulak rin ng BATANGAS FORUM FOR GOOD GOVERNANCE ang pagkakaroon ng JOINT VENTURE ng MERALCO at BATELEC II dahil sa parehong problema sa BATELEC I. Suportado ito nina CONGRESSMAN NICANOR BRIONES, BATANGAS FORUM CHAIRMAN at FORMER TANAUAN MAYOR PAQUITO LIRIO at maging ng mga RESORT OWNERS.
Pero alam nyo ba mga ka-ARYA na hindi lang itong BATELEC ang problemadong Coop?
Ayon sa nakita kong pagsusuri, marami pala sa mga ito ay naniningil din ng walang pahintulot mula sa ENERGY REGULATORY COMMISSION (ERC).., ika nga kolorum ang singil ng mga ito. Siguro napapanahon na para magkaroon ng assessment ukol sa performance ng mga coop sa pangkalahatan sapagkat hindi talaga uunlad ang PiILIPINAS kung bulok ang maraming nagbibigay ng serbisyo sa kuryente.., baka kailangan na itong pagtuunan ng ating pamahalaan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.