Advertisers

Advertisers

P358m pekeng yosi nasamsam sa raid sa Cavite

0 24

Advertisers

AABOT sa 3.12 milyong pakete ng pekeng sigarilyo ang nasamsam sa isinagawang mga pagsalakay sa Dasmarinas City at Indang, Cavite.

Aabot sa P358 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang pekeng sigarilyo sa mga operasyon.

Pinangunahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang raid na nagresulta sa pagkakakumpiska ng walong illegal cigarette manufacturing at packaging machines.

Sa warehouse sa Dasmarinas, nadiskubre ng mga awtoridad ang 1.6 milyong pakete ng illegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng P184.6 milyon, habang nasa 1.1 milyong pakete naman ang nakuha sa factory sa Indang. Nagkakahalaga ito ng P126.6 milyon.

Samantala, nakadiskubre rin ng 408,000 pakete ng pekeng sigarilyo sa isa pang pasilidad sa Dasmarinas City na nagkakahalaga ng P46.76 milyon.

Tinatayang kabuuang P200 milyon ang potential revenue loss dahil sa mga ito.

Kabilang sa mga nasamsam na brand ng sigarilyo ay ang Carnival, HP, Troy, Cannon, Victor Agila, New Orleans, Two Moon, at Fort na hindi rehistrado sa BIR at kulang ng tax stamps o mandated health warnings.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang mga nilusob na warehouse, kungsaan 12 Chinese nationals ang sangkot sa operasyon nito.