Advertisers

Advertisers

Sunshine pasok ang dalawang pelikula sa Moscow Intl. Filmfest  

0 9

Advertisers

Ni JIMI C. ESCALA

ABSENT agad ang isa sa mga pambatong co-host ni Vice Ganda sa pangalawang araw ng “It’s Showtime” sa GMA7. Present si Anne sa unang araw ng pasabog ng nabanggit na show pero sa sumunod na araw ay nowhere to be found ang beauty ng actress, huh!

Siyempre, kanya-kanyang tanong agad ang mga dumaraming folllowers ng ABS-CBN produced show na napapanood ng lahat sa GMA 7, huh!



Pero paliwanag ng isa sa co-host ng show na nasa Coron, Palawan daw si Anne para umaten sa wedding ng isang malapit na kaibigan. Nakatakdang sumunod daw si Vice Ganda sa kasalan after the show, huh!

Samantala, dahil parte na ng Kapuso ay guest ang cast ng “It’s Showtime” sa paborito naming panoorin tuwing hapon na “Family Feud” hosted by our favorite host ngayong si Dingdong Dantes.



And as expected, ang dami namang nag-abang ng guesting ng It’s Showtime hosts sa Family Feud nung Lunes, April 8.

Pinaaga ang airing nito dahil marahil  expected na nilang mag-overtime ang show, huh!



Nakakaaliw at ang saya naman kasi nila, lalo na ‘yung nag-ookrayan silang lahat.

Inaasahan din na sa live streaming pa lang nito na usually ay mataas na ang 100K views, itong episode nung Lunes ay talagang sobrang taas ng viewership, huh!

From a source, pagdating daw ng 9 ng gabi ay umabot na ng isang milyong views, at ‘yung extended version nito sa sa YouTube na nakalagay pa roon ay viewable worldwide, mahigit 1.5M views na huh!

Nag-trending pa ang game show ni Dingdong sa X nung araw na iyun.

And for sure another record breaker na naman ang nakuhang ratings ng “Family Feud” nito, huh!

***

NASA cloud nine ang pakiramdam ng premyadong aktres na si Sunshine Cruz dahil dalawang pelikula niya ang pasok sa Moscow International Film Festival sa darating na April 19 to April 24 na gaganapin sa Russia.

Siyempre, thankful ang sexy actress not only dahil first time na napasama ang movie niya sa isang prestigious international film fest kundi dahil sa dalawa pa ang entry niya, huh!

Ang mga pelikula niyang “Lola Magdalena” ni Joel Lamangan at ang “Guardia de Honor” ni Jay Altarejos.

Pareho raw walang itulak kabigin sa mga role na ginampanan ni Sunshine sa dalawang nabanggit na  pelikula, huh!

Sa “Lola Magdalena (Granny Prostitutes) ay kasama ni Sunshine sina Gloria Diaz, Liza Lorena, Perla Bautista at Pia Moran written by Dennis Evangelista under Direk Joel Lamangan.

As of press time ay gumagawa raw ng paraan si Sunshine na makadalo sa 46th Moscow international film festival.