Advertisers
Ang mga FILIPINO ay nakilala halos sa buong mundo sa larangan ng musika kabilang na rito ang ilang kinilalang mga tanyag na SYMPHONY ORCHESTRA BAND tulad ng 1st ASIA’s ORCHESTRA na MANILA SYMPHONY ORCHESTRA.., na taong 1926 nang itatag ni VIENNESE CONDUCTOR
ALEXANDER LIPPAY at ngayong 2024 naman ay aalingawngaw ang musika sa saliw ng “CHARLIE FRY AND HIS BIG BAND” mula sa pinagtatagan ng FIRST PHILIPPINE REPUBLIC na bayan ng MALOLOS sa lalawigan ng BULACAN.
Ang ORCHESTRA BAND na “CHARLIE FRY AND HIS BIG BAND” ang inaasahang magiging pambato ng BULACAN PROVINCE na rerepresenta sa kanilang lalawigan dahil binubuo ito ng mga taal na BULAKENYO.
Sa modernong panahon natin ngayon ay tila iilan na lamang ang nakakaalam sa ORCHESTRA BAND dahil mas patok na sa mga kabataan ang RAP SONGS, PABIRITAN SONGS at mga STRUT DANCE.., kaya naman, ang isang inborn musician, composer at singer na taal na MALOLOS ay nagpupursige ngayon sa pagbuo ng panibagong MUSICAL BAND na dadagdag sa mga iilang kinikilalang ORCHESTRA BAND ngayon sa ating bansa.
Ang ORCHESTRA ay large instrumental ensemble typical of classical music na binubuo ng string instruments tulad ng violin, ceiling at double bass; woodwinds tulad ng flute, clarinet, bassoon, saxophone; brass instruments tulad ng trumpet, trombone; percussion instrument tulad ng bass drum, cymbals, snare drum, triangle.., at iba pang instrumenti tulad ng piano, harpsichord, electronic guitars.., na ito ay minamanduhan ng CONDUCTOR sa muwestra ng kaniyang hands and arms movement na karaniwa’y may hawak na maliit na stick o ang CONDUCTOR’s BATON para maging gabay ng mga musician.
Ang MUSICIAN na mag-aambag ng panibagong papuri para sa imahe ng BULACAN PROVINCE ay anak ng nagpasikat ng mga “PANGILITING KANTA” na si BOY SULLIVAN ng “D’ BIG 3 SULLIVANS” na kasama niya rito sina MAR LOPEZ at ang COMEDIAN APENG DALDAL.., na ang ina naman nito ay ang sumikat na JAZZ SINGER na si MS. DIANA FRY.
VETERAN SINGER na itong si CHARLIE FRY na 16 years nakapag-perform sa JAPAN at sa Iba pang ASIAN COUNTRIES tulad ng HONGKONG, TAIWAN, INDONESIA hanggang sa BRITISH TERRITORY na DIEGO GARCIA.., ay naghahangad na mailunsad ang kaniyang 12 PIECE BAND na kumpleto sa rhythm at brass section sa August o September ngayong taon.
Sa kasalukuyan ay abala ang naturang grupo sa pagbuo ng music arrangements sa asiste ng musical arrangers na sina TITO CAYAMANDA (composer ng TILL MY HEARTACHES END) at si RODNICK SANTOS (one of the best young generation arrangers ng Bulacan).
“Sa ngayon we are doing practice sessions habang nagpopondo ng maraming kanta which are all special arramgements by my friends na musical arrangers din like Tito Cayamanda na kasama ko sa Filscap at lumikha din ng classic song na ‘Till My Heartaches End’ ni Ella May Sayson and also Rodnick Santos, isang young and promising arranger from Malolos Bulacan,” pahayag ni CHARLIE FRY para sa kaniyang UPCOMING PRESTIGIOUS BIG BAND na ang bumubuo ng BRASS SECTION ay pawang mga BULAKENYO na ang mga edad ay nasa mid 20’s!
“I’m excited to introduce them to all of you very soon!”.., eto ang anunsiyo ni CHARLIE FRY patungkol sa kaniyang BIG BAND na dadagdag sa mga kinikilalang BAND tulad ng PHILIPPINE PHILHARMONIC ORCHESTRA ng CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES; MANILA PHILHARMONIC ORCHESTRA; ABS-CBN PHILHARMONIC ORCHESTRA; MANILA SYMPHONY ORCHESTRA; at ang BANDA KAWAYAN PILIPINAS.
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.