Advertisers

Advertisers

Mag-ina napatay sa saksak ng lasing

0 26

Advertisers

NASAWI sa pananaksak ng isang lasing ang mag-ina sa Barangay Lunib,Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur, Lunes ng gabi, April 15, 2024.

Sa ulat nitong umaga ng Martes ng Vincenzo Sagun Municipal Police Station, agad namatay sa mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan sina Maria Shennah Wayan Capilitan, 32 anyos; at anak na si Fe, 14, sa insidenteng naganap sa Purok Punta Blanco, Barangay Lunib.

Ayon sa mga imbestigador ng Vincenzo Sagun MPS, sinugod ng lasing sa alak na si Juranie Salazar, 27, ang anak ni Capilitan habang papalapit sa isang tindahan at agad na pinagsasaksak ng mahabang kutsilyo, sanhi ng agarang kamatayan ng biktima.



Sunod na napatay ni Salazar si Capilitan nang tumungo sa pinangyarihan ng krimen nang malaman ang sinapit ng anak.

Pinagsasaksak ni Salazar ng kutsilyo si Capilitan na pumanaw din agad dahil sa mga maselang sugat sa dibdib at iba pang parte ng kanyang katawan.



Nakakulong na ang salarin na nahaharap sa double murder.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">